Connect with us

Entertainment

Piolo Pascual at Shaina Magdayao, Naispatang Sweet na Sweet Habang Nagbabakasyon sa Bohol, May Relasyon Nga Ba?

Matatandaan na noong 2017 nang mapabalita na 5 years na di umanong exclusively dating ang aktor na si Piolo Pascual at aktres na si Shaina Magdayao. Ngunit, mariin naman itong itinanggi ni Shaina at sinabi na walang namamagitan sa kanila ni Piolo kundi magkaibigan lang. Sa kabila nito, ay inamin naman ni Shaina, na palagi niyang nakakasama at nakikita si Piolo.

Ngunit, matapos ang ilang taong tila nalimot ng publiko ang isyu tungkol sa kanilang tunay na ugnayan, kamakailan lamang nga, ay muling lumikha ng ingay sa social media sina Piolo at Shaina matapos maispatang sweet na sweet sa isa’t isa habang masayang nagbabakasyon sa isang beach resort sa Bohol.

Marami ang nagulat sa naglabasang larawan nina Piolo at Shaina sa social media kung saan nakitang napakasweet nila sa isa’t isa na tila nga may relasyon. Kaya naman, marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon nina Piolo at Shaina ngayon.

Sa mga kumalat na litrato ay kasama nina Piolo at Shaina ang magkasintahang sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago habang sila’y nagbabakasyon sa Bohol. Isa sa mga ibinahaging litratro, ay makikitang nakayakap ng mahigpit si Piolo kay Shaina habang nakaupo ang aktor sa isang pool table ng recreational area at mapapansin na tila nasa isang nipa hut sila. Sa nasabing larawan ay kasama nina Piolo at Shaina ang aktor na si Raymart at isang hindi nakilalang lalaki.

Sa hiwalay na litrato ay makikita namang magkakasama na sina Piolo at Shaina at magkasintahang Jodi at Raymart kasama ang hindi kilalang lalaki. Makikitang magkatabi sa larawan sina Piolo at Shaina kung saan ay parehong matamis ang masisilayang ngiti sa kanilang mukha.

Agaw pansin rin ang litrato sina Piolo at Shaina habang nakasakay sa yate kung saan makikitang nakahiga si Piolo sa kandungan ni Shaina, habang si Shaina ay nakahiga sa dibdib ng aktor. Makikita rin sa iba pang larawan na magkaholding hands sina Piolo at Shaina. At base sa mga kumalat na litrato ay aakalain nga na may relasyon sila dahil sa sobrang sweet sa isa’t isa.

Samantala, sina Shaina at Raymart ay magkasama sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” at sila rin ang magka-loveteam sa serye bilang sina Roxanne at Victor. Kaya naman, nagkaroon sila ng oras para magbakasyon kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. At kung iisipin nga, ay tila nasa double date ang mga celebrity couple na ito, at magkasamang nagbakasyon.

Sa ngayon ay wala pang pahayag o kumpirmasyon sina Piolo at Shaina patungkol sa tunay na namamagitan sa kanila. Ngunit, hindi maitatanggi na sa ilang beses na nilang nalink sa isa’t isa, at makikita pang sweet na sweet sa isa’t isa, ay hindi maiwasan ang isipin na may relasyon nga sila.

error: Content is protected !!