Connect with us

Stories

Pinoy Big Brother Alumna Jai Agpangan, Labis ang Naramdamang Takot sa Kanyang Buhay Matapos Ma-comatose sa Mismong Araw ng Pasko

Kung ang ilan nga ay masayang ipinagdiwang ang kapaskuhan noong nakaraang Disyembre, may ilan rin namang napuno ng kalungkutan. Sa halip na sama-samang salubungin ang noche buena at sabay-sabay na kumain sa hapag, ay aantala ito dahil sa hindi inaasahang pangyayari.




Hindi nga naging maganda ang pagdiriwang ng pasko ng Pinoy Big Brother alumna na si Jai Agpangan. Ito nga ay dahil na puno ng takot ang kanyang buhay, matapos maranasang ma-comatose sa loob ng tatlong araw, at sa mismong araw pa ng Pasko naganap ang lahat. Sa halip nga na sa bahay ipagdiwang ang pasko, ay sa hospital humantong ang dalaga.

Photo credits: Jyra May Agpangan | Instagram

Sa vlog na mapapanood sa kanyang Youtube channel, ibinahagi ni Jai ang hindi makakalimutang karanasang ito na maghatid sa kanya ng matinding takot. Aniya, noong Disyembre 24, habang nagluluto siya ng mga pagkaing ihahanda sa noche buena, ay bigla na lamang siyang napahinto sa ginagawa dahil sa pagsusuka. At umabot umano ng 20 beses ang kanyang pagsuka.

“Bigla ako nag-stop mag-cook and then sumusuka ako like 20 times.”

Photo credits: Jyra May Agpangan | Instagram

Pero sa halip na tumawag ng doktor, ay ipinatawag ni Jai ang tagamasahe, upang magpamasahe ng kanyang katawan. Ayon nga kay Jai, hangga’t kaya niyang tiisin ang sakit, ay hindi siya nagrereklamo.

“Kasi ako, honestly kami ni Joj matiisin kasi kami eh. Hanggat kaya namin hindi naman namin sasabihin, hindi naman kami magre-reklamo.”




Ngunit, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap dahil habang minamasahe si Jai, ay bigla na lamang itong nawalan ng malay. Dito na nga tinawag ng kanyang lola ang kapitbahay nila na isang doktor. At habang kinukuhaan ng blood pressure, ay hindi rin siya makahinga at nag-seizure pa.

Photo credits: Jyra May Agpangan | Instagram

“Kinukuhanan na ako ng blood pressure I cannot (sic) breathe and nagse-seizure na ako.”

Matapos nga nito, ay na-comatose na si Jai ng tatlong araw sa hospital magmula Disyembre 24 hanggang 26, at pagsapit ng 27 ay nagising na umano siya. Naka-nasogastric tube lang din ang pagkain niya.

“Grabe yung nangyari sa akin, na-coma ako [nung] 24, 25, 26 tapos 27 ako nag-wake up daw. Di ko alam na NGT [nasogastric tube] lang yung food ko tapos parang lumbar tap ako kasi akala nila parang meningitis.”

Photo credits: Jyra May Agpangan | Instagram

Matapos maranasan ang bagay na ito, ay matinding takot ang kanyang naramdaman sa panganib ng kanyang buhay. Kaya naman. Maluha-luhang nagpasalamat si Jai dahil nagawa niyang malampasan ito. Pinasalamatan niya ang mga taong umagapay sa kanya at nagpakita ng suporta.

“I was so scared, alam ko na di ko kaya (I know that I couldn’t handle it) because I know I have a purpose pa. Grabe sa mga nag-support sa akin, I thank you all kasi hindi ko ito makakayanan talaga kung ako lang.”

error: Content is protected !!