Connect with us

Entertainment

Pinay Transgender, Pinabilib Ang Publiko Dahil Matapos Lamang Ang 9 Na Buwang Pagkakakilala sa kanyang Australianong Boyfriend ay Ikinasal na Agad

Marami ang napa-wow at ang ilan ay napa-sana all pa sa isang Pinay transgender nang ibahagi nito ang love story ng kanyang asawang Autraliano sa noon time show na Eat Bulaga.

Nagviral nga kamakailan ang isang pinay transgender at asawa nitong Australian National sa segment ng Eat Bulaga na “Bawal Judgmental”. Naitampo ang mag-asawang sina Erica at Danny Elmasri sa nasabing segment bilang pinoy na happily married sa foreigner. Si Erica Elmasri ay tubong Ilagan, Isabela na nakabase sa Australia samantala ang asawa nito ay isang Australian national na si Danny Elmarsi.

Naghatid ng kilig vibes ang mag-asawa sa mga manonood ng Eat Bulaga sa “Bawal Judgmental” segment. Masaya nilang ibinahagi ang makulay na kwento ng kanilang pag-iibigan. Kwento nga ng mag-asawa ay nagkakakilala sila sa isang dating app at makalipas lamang ng siyam nakikipagrelasyon nagpagpasyahan na nilang magpakasal.

Ibinunyag ni Erica ang tunay na dahilan kung bakit agaran ang kanilang pagpalakasal. At ito nga ay upang makamit ang hangad na permanent residency sa Australia. Dahil ang pag-aasawa ng isang Australian ay isa sa mga pinakamabilisang paraan.

“I will help you on your visa,” ani Danny.

Sa kusang tulong ni Danny ay nagkaroon nga nito si Erica at naging isa siyang permanent residence ng Australia. Sa pagpapakasal ni Danny kay Erica, dito niya napatunayan ang senserong pagmamahal ng asawa bagama’t isa siyang transgender.

Ayon nga kay Erica,“Mahal niya talaga ako, ayaw niya akong umuwi kaya he wants to keep me for himself.”

Naging maayos ang buhay nila mag-asawa sa katunayan patuloy ang operasyon ng kanilang negosyo sa Australia. May dalawa silang restaurants na sila na rin mismo ang mga empleyado. Nang tanungin naman ng host na si Allan K si Danny kung bakit niya pinakasalan si Erica.

Sagot ni Danny,“She’s nice, she’s beautiful, very caring, when you find the right one, it’s very easy.”

Sa mga katagang kanyang binitiwan ay talagang ramdam na ramdam ang pagmamahal na alay ni Danny para kay Erica at wala ng hihigit pa rito. Hindi nga naging hadlang ang pagiging transgender sa paghangad ng tunay na pagmamahal. Mamahalin ka ng taong alam ang halaga mo ikaw man ay isang transgender o miyembro ng LGBTQ. Kailangan lang natin ng taong maniniwala at magmamahal sa atin ng walang kondisyon anuman ang katayuan at katauhan natin. Isang katunayan ng wagas ng pagmamahalan ang mag-asawang Danny at Erica Elmasri na handang gawin ang lahat para sa minamahal ng walang pag-aalinlangan.

error: Content is protected !!