Connect with us

Entertainment

Pia Wurtzbach, Masayang Ibinahagi Na Natupad Na Niya Ang Kanyang Pangarap Na Magkaroon Ng Sariling Lupa At Bahay

Isang napakagandang biyaya ang natanggap kamakailan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. At ito nga ay ang matupad ang kanyang matagal nang pinaparangap na magkaroon ng sariling bahay at lupa.

Nito lamang ika-26 Enero araw ng Miyerkules ay masayang inanunsiyo ng beauty ang isang achievement na kanyang natamo sa kanyang buhay, ang makabili ng house and lot para sa kanyang sarili. Sa kanyang Instagram, ay masayang ibinahagi ng 32-year old na si Pia ang kanyang larawan na kuha sa kanyang bagong bahay. Makikita sa larawan na ang bagong biling bahay ay mayroong white walls, glass windows at may wood elements rin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach)

Sa caption nga ng post ni Pia, ay hindi naman talaga maitago ang kanyang labis na kaligayahan, at talagang excited na siyang makalipat dito. Ngayon nga, ay wala pang lamang kagamitan ang bahay ni Pia dahil inaayos pa ang magiging disenyo ng loob ng bahay. Kaya naman ang goal niya ngayong taon ay maging hands on siya sa kanyang bagong bahay para maayos ito.

“Welcome Home, Pia! ops…practice lang!So pano ba to, BYOB na ba? Bring Your Own Bangko? Wala pang laman tong bahay ko LOL! One of my personal projects this year is being hands on with my new home. So excited to take you guys with me through the process! What style do you think I’ll go for?”

Sa comment section ng kanyang post, ay dinagsa naman ng congratulatory messages mula sa kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz. Dahil nga, matagal nang pangarap ni Pia ang magkaroon ng sariling bahay, ay ikinatuwa rin ng kanyang mga kaibigan na natupad na ang kanyang pangarap.

Nanguna nga sa pagbibigay ng komento ang kanyang best friend na si Pauleen Luna na nag-iwan ng katagang:

“AYAN NAAAAA”

Nagkomento rin si Miss World 2016 Megan Young, aniya “Omggg congrats P!!! So nice.”

Sinagot naman ni Pia ang nag-uumapaw na pagbati mula sa kanyang mga tagahanga at mga kaibigan sa showbiz, kung saan nga ay isang matamis na pasasalamat ang kanyang naging tugon.

“Thank you everyone for the sweet messages! this was one of my big dreams and Im so happy.”

Makikita na nagbigay rin ng komento ng pagbati ang iba pang celebrities katulad na lamang nina Thia Thomalla, Ayn Bernos, Daniel Matsunaga, Jervy “KaladKaren” Li, at Neri Miranda.

Deserve naman talaga ni Pia ang makatanggap ng napakagandang biyaya, lalo na nga’t pinaghirapan niya ito. Sa ngayon ay masayang-masaya naman ang buhay ni Pia sa piling ng kanyang boyfriend na si Jeremy Jauncey. At ngayon nga, ay nasa Dubai si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kung saan naman nakabase si Jeremy.

error: Content is protected !!