Connect with us

Entertainment

Philmar Alipayo, Pinabilib ang Marami Matapos Muling Ipamalas ang Galing sa Surfing, Nakipagsabayan sa Naglalakihang Alon

Pagdating nga sa anumang larangan, ay talagang hahangaan ang galing ng Pinoy. At sa ating bansang Sinilangan, ay hindi maitatanggi na marami ang mahuhusay na surfer. Hindi naman ito nakapagtataka dahil ang ating bansa ay napapalibutan ng karagatan.

Photo credits: Philmar Alipayo | Instagram

Sa dami nga ng mga beaches sa Pilipinas ay makikita rin rito ang mahuhusay na surfer na talagang ipinagmamalaki ng sambayanan. At sa isla ng Siargao na tinaguriang “Surfing Capital” ng Pilipinas matatagpuan ang isa sa pinakamahusay, at masasabi na talagang pang malakasan pagdating sa surfing.

Ito nga ang champion surfer na si Philmar Alipayo na talagang ipinapamalas ang husay sa surfing sa bawat kompetisyong nilalakuhan. At kamakailan, ay muling pinabilib ni Philmar ang mga netizens sa kanyang husay sa surfing matapos walang takot na nakipagsabayan sa naglalakihang alon sa isang sikat na surfer spot sa isla ng Tuason Point.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

Ang isang larawan nga na kuha habang nagsu-surfing si Philmar ay umani ng paghanga mula sa mga netizens. Sa nasabing larawan kasi ay makikita ang pagsu-surf ni Philmar sa isang naka-curve na malaking alon na mala-krista ang linaw at kulay.

At ang ginawang ito ni Philmar, ay talaga namang nakakabilib. Kilala naman sa tawag ng mga surfer ang ginawa ng champion surfer na “tube riding”. Ito nga ang itinuturing ng mga surfing enthusiast na pinakamahirap gawin ngunit, ito naman ang pinakapaboritong gawin ng mga mahuhusay na surfer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

Dahil nga dito, ay talagang pinuri ng madla si Philmar sa kanyang ginawa, lalo na nga’t ang tanging nakakagawa lamang nito ay ang mga hasa at masasabing pinakamahusay pagdating sa surfing.

Samantala, ang magandang kuha naman ng larawan, ay nakatanggap rin ng papuri mula sa mga netizens. Ito nga ay kuha ng isang mahusay na photographer na si Oli Bayer, na talaga namang kahanga-hanga at matatawag na perfect shot ang kuha ng larawan.

Photo credits: Philmar Alipayo | Instagram

May ibinahagi namang video si Philmar kung saan kitang-kita ang kanyang galing sa surfing. At isa nga sa kanyang napabilib ay ang aktor at isa ring surfing enthusiast na si Jericho Rosales.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

Narito naman ang komento ng mga netizens na puno ng paghanga kay Philmar:

“Best surfer in the PH”

“Magaling wala pa Pilipino magaling mag-surf sa Pinas ikaw pa lang Philmar galing mo mag-surf.”

“Pang-international grabe ka galing”

“Mapapawow ka na lang sa galing”

Photo credits: Philmar Alipayo | Instagram

Maliban sa pagiging champion surfer, ay isa ring mapagmahal sa pamilya si Philmar. Sa ngayon, ay masayang naninirahan si Philmar kasama ang kanyang partner na si Andi Eigenmann sa isla ng Siargao kasama ang kanilang mga anak. Sina Philmar at Andi, ay biniyayaan ng dalawang anak sina Lilo at Koa.

error: Content is protected !!