Connect with us

Inspiring

“Pera Ni Mister, Pera Parin Ni Mrs Yun”: Marco Alcaraz, Ibinahagi Ang Kanyang Mga Tips Pagdating Sa Pagmamahal At Pag-aalaga Ng Mga Misis

Masasayang nagsasama ngayon ang mag-asawang sina Marco Alcaraz at Lara Quigaman kasama ang kanilang tatlong anak na sina Noah, Tobias at Moses. Tila napakaswerte naman ni Miss International 2005 Lara Quigaman sa kanyang mister na si Marco. At tila nga puno ng pagmamahalan ang kanilang pagsasama dahil makikita naman mga post ni Marco kung gaano niya kamahal at kaalaga ang kanyang misis.

Photo credits to the owner

Sa katunayan nga nito, ay madalas siyang magbahagi ng mga post patungkol sa magandang samahan ng mag-asawa. At kamakailan lamang nga, ay ibinahagi ni Marco ang ilang tips pagdating sa pagmamahal at pag-aalaga ng mga misis.

 

1. Give your wife time and resources for self-care.
Bilang isang mister nga, ay mahalaga na mabigyan ng oras at kagamitan ang mga misis para mapangalagaan nila ang kanilang sarili. Ayon nga kay Marco, mahalaga na mapangalagaan ng mga misis ang kanilang sarili para maalagaan din nilang mabuti ang kanilang pamilya.

Photo credits to the owner

”Lagi nyo dapat alagaan mga asawa nyo.. bigyan nyo sila ng me time.. para maalagan tayo at ang mga anak natin ng mabuti.”

2. Never fight over money.
Isa nga sa madalas pag-awayan ng mag-asawa ang pera. Ngunit, ayon nga kay Marco, ang mag-asawa ay hindi dapat nag-aaway sa usaping pera dahil ang masayang pagsasama ng mag-asawa ay respeto, tiwala at hindi nag-aaway sa pera.

“Malalaman mo na masaya ang pagsasama nyo mag-asawa kung may respeto, tiwala at hindi pinag-aawayan ang pera. Kaya pag pera ni Mrs pera nya yun at kapag pera ni Mr pera parin ni Mrs yun.”

Photo credits to the owner

3. Compliments go a long way.
Kahit nga ilang taon nang nagsasama sina Marco at Lara ay damang-dama parin ang init ng kanilang pagmamahalan. Hindi nga nagkukulang si Marco sa paghahatid ng matatamis na salita kay Lara para pakiligin ito.

Photo credits to the owner

4. Stick to one partner.
Simple man ang katagang sinabi ni Marco na “Stick to one like a bubble gum.” Ibig sabihin nga nito, kapag may asawa na ay huwag nang humanap ng iba.

Photo credits to the owner

5. Find ways to revive the honeymoon stage.

Kahit nga magkasama na sa buhay at naikasal na ay dapat mapanatili parin ang kilig kung saan tila nasa honeymoon stage parin.

Photo credits to the owner

“Dapat laging bagong kasal ang pag trato nyo sa asawa nyo para mas lalong tumamis ang pagsasama ninyo.”

6. Help with the daily chores.

Photo credits to the owner
Mahalaga rin na nagtutulungan ang mag-asawa pagdating sa gawaing bahay. Ayon nga kay Marco, kapag inutusan ni Misis ay sumunod agad at huwag nang antayin pang magalit ito.

“Pag sinabi ni Misis “Maglinis!”, maglinis agad, at wag na hintayin magalit pa siya. At kahit hindi naman sabihin, I make sure I do my part to keep our home safe and germ free, especially now that it’s Cold and Flu season.”

7. Settle misunderstandings as soon as possible.
Sa buhay mag-asawa ay normal lang ang tampuhan at away. Bahagi na nga ito ng pagsasama, pero anuman nga ang pinag-awayan ay mahalagang maresolba ito bago matapos ang gabi.

Photo credits to the owner

“Normal lang sa mag-asawa ang mag away at magkatampuhan. Pero siguraduhin na pag usapan kaagad ito pra hindi na lumaki. Kasi pag lumaki naku baka lumaki din ang tiyan ni mrs at masundan si bunso. agree po ba kayo.”

8. Humility is key.

Aminado si Marco, na hindi siya perpektong asawa at ama sa kanyang pamilya pero ibinibigay niya ang abot ng kanyang makakaya. May mga kahinaan ring siyang dapat niyang pagtuunan ng pansin. Ngunit, sa tulong ng Diyos ay nagagawa niyang itaguyod ang kanyang pamilya.

Photo credits to the owner

“I’m not the best dad and husband, but i’m giving it my best. Learning to take life one day at a time. And that’s all that God calls us to do. My fam loves me unconditionally, even with all my flaws. God has blessed me with more than I deserve.”

9. Intimacy is important.
Mahalaga rin na hindi mawala ang romance sa pagsasama ng mag-asawa. Ayon nga kay Marco, ay ituring na parang girlfriend parin ang misis at ipadama ang labis na pagmamahal.

“Continue to date and continue to treat her like my girlfriend. Don’t stop doing things na ginagawa nyo nung nagsisimula pa lng kayo.”

Photo credits to the owner

10. Spell it out in words, as well as actions.
At siyempre ang mga matatamis na salita ay dapat ring isagawa. Kaya naman, dapat ang mga sweets words na nagmumula sa bibig ni Mister ay madama rin ni Misis sa pamamagitan ng kilos. At kapag nangyari nga ito, ay tiyak na hindi mawawala ang tamis ng pagmamahalan kahit ilang taon pa ang lumipas.

error: Content is protected !!