Connect with us

Entertainment

“People will Dissapoint you, But God Never Will” Dating Komedyante na si Bearwin Meily Naging Emosyunal ng Ibahagi ang Pinagdaanan sa Buhay ng Tamaan ng Pandemya at Ibenta ang Naipundar na Bahay

Napaiyak na lamang ang aktor at komedyante na si Bearwin Meily nang makakwentuhan ni Ogie Diaz sa kanyang vlog matapos ibahagi ang mga hirap na naranasan sa buhay.

Sa paglamlam ng karera ni Bearwin sa showbiz, kung saan ay nawalan siya ng mga proyekto na sinabayan pa ng pandemya ay talagang matinding pagsubok ang kanyang pinagdaanan.

Kamakailan lamang sa latest vlog ni Ogie, nang kamustahin niya ang kanyang dating kasamahan sa sitcom na “Home Sweetie Home” na si Bearwin na nakatira sa Taytay Rizal, sa itinayo nitong bagong negosyo na “Corny Doggy”.

Photo credits: Ogie Diaz | Youtube

Photo credits: Ogie Diaz | Youtube

Photo credits: Ogie Diaz | Youtube

Photo credits: Ogie Diaz | Youtube

Hindi na nga napigilan ng komedyanteng si Bearwin ang maluha nang ibahagi na naibenta niya ang pangarap na bahay dahil sa kawalan ng perang pambayad.

Photo credits: Ogie Diaz | Youtube

Napaiyak na lamang habang isa-isang isinasalaysay ni Bearwin ang hirap na pinagdaanan bago pa man dumating ang pandemya, at kung paano siya unti-unting nakabangon.

Isa nga sa suliranin ni Bearwin noon, ay ang pagkawala ng proyekto sa telebisyon.

“Bago pa man mag-pandemic, tinamaan na ko. Bago pa naman mag-pandemic, hindi na ko nabibigyan ng chance sa TV. Huli natin yung ‘Home Sweetie Home.”

Matapos naman mawalan ng proyekto, ay naapektuhan rin ng pandemya ang iba pa niyang kabuhayan dahilan nga upang kapusin siya sa pera at madagdagan ang kinakaharap niyang problema. Ibinahagi naman ni Bearwin na nagawa niyang makabili ng dream house para sa kanilang pamilya. Ngunit isang pangyayari naman ang sumubok sa kanyang katatagan nang matalo sa halalan sa pagka-konsehal noong taong 2019.

Photo credits: Ogie Diaz | Youtube

Sa dami nga ng pinagsama-samang problema, kawalan ng trabaho at kabuhayan, pagkatalo sa eleksiyon at apektado ng pandemya ay tanging ang Diyos ang kanyang naging sandigan at kanyang kinapitan.

“Tumakbo akong konsehal dito sa Taytay. Hindi rin naman pinalad. So at first maghahagilap ka. Pero kapag wala ka nang aasahan dito, walang industriya, walang trabaho, hindi ka nanalo, so wala kang ibang kakapitan kung ‘di ang Diyos,” emosyonal na sagot ng komedyante.

Mas lalo namang naging emosyunal si Bearwin nang maikwento na maging ang nabili niyang dream house para sa kanyang pamilya, ay umabot rin sa puntong naibenta niya dahil sa kawalan ng perang pambayad.

Photo credits: Ogie Diaz | Youtube

“You surrender in a sense na kahit hindi mo matanggap na ibenta mo ‘yong bahay mo, ibebenta mo, e. Binenta namin ‘yong bahay namin. One thing, wala kaming pambayad. Kesa maremata ng banko, binenta ko.”

Mahirap man tanggapin na nawala sa kanila ang pangarap na bahay kung saan kasama niyang nagdisenyo ang kanyang mga anak, ay sa maganda at positibong bagay na lamang nakatuon ang kanyang pansin. Ayon nga kay Bearwin, ay nabawasan ang kanyang isipin dahil ngayong nangungupahan na lamang sila, ay hindi na nila kailangan ng malaking halaga para pambayad sa bahay.

Samantala, sa kabila ng mga pagsubok na naranasan ay lubos namang nagpasalamat si Bearwin dahil nagawa niyang kumapit sa Diyos. Pag-amin nga ni Bearwin, ay alam niya na sa gitna ng paghihirap at pagsubok ay hindi siya pinabayaan ng Diyos.

Photo credits: Ogie Diaz | Youtube

Malaki rin ang pasasalamat ni Bearwin, dahil sa gitna ng pagsubok na kanyang naranasan ay may isang kaibigan siyang nalapitan at hindi siya tinalikuran. Ito nga ang kanyang malapit na kaibigan at kapwa komedyante na si Bayani Agbayani.

“Si Bayani kahit kailan hindi ako hinindian. Hindi ko hiningan ng pera ‘yan. ‘Di rin naman nagbigay ng pera ‘yan pero every time I ask Bayani, patulong naman ako. Kaagad ‘yan. Walang sabi-sabi.”

Sa ngayon nga ay nakatuon ang pansin ni Bearwin sa kanyang bagong negosyo na kung saan ay nagsisilbi niyang daan upang muling makabangon. Alam rin ni Bearwin na palaging nasa tabi niya ang Diyos at hindi siya pinapabayaan.

“But where I am right now, it’s really a big blessing compared to others. Napapaaral ang anak sa pagluluto. I always count my blessing. Every gising is a blessing. Kumpara sa iba, kahit kailan ‘di tayo pinabayaan ng Diyos. What more can I ask for?”

error: Content is protected !!