Connect with us

Entertainment

PBB Host na si Robi Domingo, Ipinasilip ang Kanilang Napakalawak na Family Farm sa Bulacan

Si Robi Domingo ay isang host ng iba’t ibang show ngunit mas kilala siya bilang isa sa mga host ng kilalang reality TV show na Pinoy Big Brother. Lingid sa kaalaman ng karamihan, bukod sa pagiging isang host, nagmamay-ari din ang pamilya ni Robi ng iba’t ibang negosyo sa bansa. Mayroon din silang ari-arian at isa na nga rito ay ang kanilang family farm sa Bulacan na tinatawag nilang, Big Ben Farm.

Photo credits: Robi Domingo | YT

Sa isang bagong vlog ng host, ipinasilip ni Robi ang farm na ito. Kwento niya, naging inspirasyon nila ang interes ng kanilang kapamilya sa Big Ben ng London kaya naman isinunod nila ang pangalan ng farm dito.

Dagdag pa ni Robi, sa kasalukuyan ay naninirahan dito ang kanilang mga kapamilya na namamahala sa iba’t ibang negosyo ng kanilang pamilya. Talaga nga namang komportableng nakakapagtrabaho rito ang mga kapamilya ni Robi dahil sa ganda ng lugar.

Photo credits: Robi Domingo | YT

Sa parehong vlog, ipinakita ni Robi ang iba’t ibang detalye ng farm house. Kapansin-pansin ang iba’t ibang dekorasyon na repleksiyon ng mga interes ng bawat miyembro ng pamilya.

Isang halimbawa rito ay ang mga katutubong armas mula sa Ifugao. Makikita rin ang mga naka-ukit na kabayo sa ilang muwebles ng bahay. Ito raw ay dahil kinahihiligan ng pamilya ang paglalaro ng polo. Dahil rin dito, hindi mawawala ang napakalawak na polo field sa farm.

Photo credits: Robi Domingo | YT

Gaya rin ng karamihang mga farm, makikita rito ang isang piggery at poultry farm na ayon kay Robi ay para lamang sa personal na pangkonsumo ng kanilang pamilya. Makikita rin ang ilang mga tupa at kabayo sa farm na ito.

Hindi rin mawawala ang mga malalagong puno na inaalagaan nang husto ng kanilang mga empleyado. Bukod sa mga ito, kakaiba rin ang farm ng pamilya ni Robi dahil sa memorial space na idinagdag nila rito.

Photo credits: Robi Domingo | YT

Sa ganda ng Big Ben Farm, hindi na nakakagulat nang ibinunyag ni Robi na ang farm na ito ay naging venue na ng ilang pelikula ng mga kilalang artista gaya ni Coco Martin at Vice Ganda.

Photo credits: Robi Domingo | YT

Kwento ni Robi, talagang malapit sa puso niya ang lugar na ito dahil dito siya lumaki at dito niya naranasan ang ilan sa importanteng kaganapan ng kaniyang buhay. Ramdam na ramdam din niya ang kasiyahan sa farm na ito kaya naman kung minsan ay iniisip niyang dito mamalagi kung siya ay magreretiro na sa industriya ng showbiz.

error: Content is protected !!