Connect with us

Uncategorized

PBB Host na si Bianca Gonzales, Proud na Ibinahagi ang Naging Pagtatapos ng Kaniyang Anak sa Kindergarten

Totoong kahit sinong magulang ay ipinagmamalaki ang bawat naaabot na tagumpay ng kanilang mga anak. Lalo na ngayong panahon ng pandemya, napakarami ang nagiging hamon sa mga estudyante. Nariyan ang ilang hamon sa mga online na klase at nariyan din naman ang banta ng COVID-19 tuwing nagkakaroon ng face-to-face na mga klase. Dahil dito, talagang hindi maiwasan ng mga magulang na maging proud sa kanilang mga anak na nagawang makapagtapos at magtagumpay sa kabila ng mga hamon ngayon.

Gaya nga ng mga magulang ngayon, proud din ang mag-asawang sina JC Intal at Bianca Gonzales sa isang tagumpay na naabot ng kanilang anak na si Lucia. Noong nakaraan lamang ay nagtapos nga ito sa kindergarten at sinamantala nila ang pagkakataon upang ibahagi ito sa iba. Sa isang Instagram post ng host, ibinahagi ni Bianca ang isa sa mga pinakamahalagang okasyon sa kanilang pamilya.

Photo credits: iamsuperbianca | IG

Sa litrato, makikita ang naging pagtatapos ng kaniyang panganay na anak na si Lucia sa kindergarten. Makikitang proud na nakangiti ang anim na taong gulang na bata habang ipinapakita ang kaniyang diploma.

Hindi naman maiwasan ni Bianca na maging proud sa kaniyang anak kaya naman excited rin siya sa pagtungtong ni Lucia sa elementarya. Hindi rin niya nakalimutang magpasalamat sa mga naging guro at kaklase ni Lucia. Ayon nga sa naging caption ng kaniyang Instagram post,

“We are so proud of how much you have grown and learned this year, Lucia. Thank you to her amazing teachers and awesome classmates for making back to face-to-face class a joy for her. Next up, Grade 1!!! For now… summer break!”

Ipinagmamalaki ring ibinahagi sa Instagram ng asawa ni Bianca na si JC ang ilan pang kaganapan sa Moving Up Ceremony ng kanilang anak. Sa caption nito, ibinahagi niya na talagang ipinagmamalaki rin niya si Lucia,

“We are so proud of you Ate.”

Photo credits: iamsuperbianca | IG

Kitang-kita rin sa isang litrato ang masayang mag-anak lalo na at nagkaroon sila ng panibagong tagumpay.

Napakaraming fans at followers ng mag-asawa ang nagpahayag ng kanilang pagbati kay Lucia at sa mga magulang nito na sina Bianca at JC. Ang ilang mga kaibigan mula sa kanilang mga trabaho ay nagbigay rin ng pagbati sa kanilang pamilya.

error: Content is protected !!