Connect with us

Inspiring

PBB 2019 Big Winner na si Yamyam Gucong, Nakapag Pundar ng Lupain, Bagong Kotse at Negosyo para sa Kanyang Pamilya

Ang pagsusumikap ng dating “Pinoy Big Brother 2019” big winner na si Yamyam Gucong ay nagbunga na ng maganda. Ibinahagi niya sa kaniyang Instagram, ang naging bunga ng kaniyang mga pagsusumikap na maabot ang lahat ng kaniyang mga pangarap sa buhay.




Kaya ngayon sa pagpasok ng bagong taon, bagong pag-asa para sa kay Yamyam at sa kaniyang pamilya. Dahil sa pagsusumikap ni Yamyam bilang isang magaling na actor at komedyante nabigyan niya ng magandang kinabukasan ang kaniyang pamilya. Sa kaniyang latest post sa kaniyang Instagram, ibinahagi niya ang naging bunga ng kaniyang pagsusumikap. Ito ay ang nakabili siya ng lupain at isang bagong kotse para sa kaniyang pamilya.

Ayon kay Yamyam, ang lupain na kaniyang nabili ay ang lupain na kanilang sinasakahan noon na ngayon ay pagmamay-ari na nila. Ito ay isa sa mga regalo niya para sa kaniyang mga magulang nagsusumikap din na magtrabaho noon sa bukid para may pangtustos lamang para sa kanilang pamilya. Sa larawang kaniyang ibinahagi na may caption na, “Liparin ang pangarap”. Ibinahagi rin niya na siya ay nakabili na rin ng kotse para sa kaniyang pamilya.




Dagdag pa niya, hindi lang iyon ang naging investment niya ngayon pati na rin ang pagbubukas niya ng isang negosyo ay para pa rin sa kaniyang pamilya. Ito ang negosyo nilang bakeshop pinasok ni Yamyam ang pagnenegosyo upang kahit malayo siya sa kaniyang pamilya ay sinisigurado niyang masusuportahan nito ang kaniyang pamilya. Ika nga niya sa isa niyang panayam sa show ng ‘Magandang Buhay’ ay “May bakeshop. May konting negosyo ako, hindi rin ‘yon akin, para sa kanila rin ‘yon, family business”. Dito pa lang ay makikita na kung gaano binibigyang halaga ni Yamyam ang kinabukasan ng kaniyang pamilya.

Si Yamyam ngayon ay malayo sa kaniyang pamilya dahil na rin sa kaniyang trabaho kinailangan mapalayo para maibigay niya ang magandang kinabukasan para sa kaniyang pamilya. Kahit mahirap na mapalayo siya sa kaniyang pamilya ginagawa niya itong inspirasyon upang matupad niya ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang pamilya. Kalakip ng panalangin ay unti-unting naisasakatuparan ni Yamyam ang mga binuo nilang mga pangarap kasama ng kaniyang pamilya.

Nawa’y maging isang inspirasyon si Yamyam ng mas marami pang mga taong nagsusumikap na maabot ang kanilang mga pangarap. Hindi hadlang ang kahirapan upang magkaroon ng kaginhawaan sa buhay.

error: Content is protected !!