Connect with us

Entertainment

Pauleen Luna-Sotto, Pinabilib Ang Publiko Sa Kanyang Taglay Na Kaseksihan Sa Suot Na Black Bikini Nang Magbakasyon Sa Amanpulo kasama ang Pamilya

Ang mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto kasama ang kanilang anak na si Tali at kanilang pamilya ay masayang nagbakasyon kamakailan sa isla ng Amanpulo sa Palawan. At makikita nga sa mga larawang ibinahagi ni Poleng sa kanyang Instagram account na talagang nag-enjoy ang kanilang pamilya habang nasa beach.

At dahil nga matagal-tagal na ring hindi nakakapunta ng beach ang pamilya nina Poleng at Bossing, hindi naman pinalampas ni Poleng ang pagkakataon na ipamalas ang kanyang taglay na kaseksihan sa kanyang suot na swimsuit.

Agaw pansin nga ang mga larawan ni Poleng na talagang nagpabilib sa mga netizens matapos niyang ibahagi ang larawan kung saan litaw na litaw ang kanyang kaseksihan.

Nito lamang ika-26 ng Oktubre, araw ng Lunes nang ibahagi ni Poleng sa kanyang Instagram account, ang kanyang larawan habang suot ang black two-piece swimsuit na kung saan nga ay masisilayan ang kanyang fit at seksing katawan. Nilakipan naman niya ito ng simpleng caption na:

“While everyone was sleeping”.

Hindi naman maikakaila na talagang malaki ang nabago sa katawan ni Poleng. Kaya naman, inulan ang kanyang larawan ng likes at komento ng paghanga mula sa kanyang mga tagahanga at ilang kaibigan sa showbiz. Kabilang na nga rito sina Isabel Oli, Mariel Rodriguez, Camille Prats, Kakai Bautista, at Geneva Cruz.

Maliban naman sa kanyang seksing larawan na nagpabilib sa mga netizens, ay ibinahagi rin ni Poleng ang larawan kasama ang kanyang asawang si Bossing kung saan nga sila’y sweet na sweet sa isa’t isa. Ang nasabing larawan, ay nilakipan naman ni Poleng ng caption na puno ng pasasalamat sa Diyos.

“Thank you Lord for this time.”

Matatandaan naman na minsan nang ibinahagi ni Poleng sa social media ang kanyang fitness journey. At ngayon nga, ay kitang-kita ang magandang resulta sa kanyang napakaseksi at fit na fit na katawan.

Base naman sa mga ibinahaging updates ni Poleng, ay nakamit niya ang kanyag fit at seksing katawan sa pamamagitan ng healthy diet at mix of Pilates, walking, at indoor cycling. Bagama’t, makikita na malaki ang nabago sa katawan ni Poleng, at talagang malaki ang nabawas sa kanyang timbang, ay inamin ng aktres na mabagal ang kanyang progress. At ang dahilan nito, ay ang hirap na kanyang nararanasan na dulot ng PCOS o polycystic ovary syndrome.

Ngunit, sa kabila nga nito ay nanatiling positibo ang isipan ni Poleng, kung saan nga ay binigyang diin na mas mabuti ang may pagbabago kahit mabagal ang progreso kesa sa walang pagbabago.

“Living with PCOS is no joke. Making good choices with my food intake and moving (it’s Pilates, walking, spinning for me) has been my priority lately.”

“So happy where I am right now and I really pray that God will sustain me.”

error: Content is protected !!