Connect with us

Entertainment

Pauleen Luna-Sotto, Masayang Nagdiwang Ng Kanyang Ika-33 Taong Kaarawan Kapiling Ang Mga Taong Nagmamahal Sa Kanya

Tila nga napakapalad ng aktres at celebrity mom na si Pauleen Luna-Sotto sa dami ng taong nagmamahal sa kanya. At sa espesyal na pagdiriwang ng kanyang kaarawan ay talagang abot langit ang pasasalamat ni Poleng dahil pinagkalooban siya ng panibagong buhay at mapagmahal na pamilya.

Labis nga ang kaligayahan ni Poleng dahil sa araw ng kanyang kapanganakan, ay nakasama niya ang mga taong nagmamahal sa kanya. Kaya naman, sa kanyang Instagram post, ay napasambit na lamang ang aktres ng “I am complete.”

“33 trips around the sun. All praise and glory goes to our Lord Jesus Christ for the gift of life and family! I am complete.”

Nito lamang ika-10 ng Nobyembre nang ipagdiwang ng TV host, at maybahay ni Vic Sotto ang kanyang ika-33 taong kaarawan. At hindi naman maikakaila na nabigyang katuparan ang isang napakasayang pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Ang birth month ni Poleng, ay napakaespeyal naman talaga dahil kasabay nito ay ang pagdiriwang rin ng anibersaryo nila ni Bossing at pagdiriwang rin ng kaarawan ng kanilang anak na si Tali. Dahil nga, tatlong selebrasyon ang kanilang ipinagdiwang sa loob ng isang buwan ay talagang hindi makakalimutang selebrasyon ang kanilang pinagsaluhan.

Makikita nga na sa sunod-sunod na post ni Poleng sa kanyang Instagram account, ay talagang nadama niya ang pagmamahal at pagsuporta ng mga taong nakapaligid sa kanya, ang pamilya Sotto at pamilya Luna.

Para naman sa espesyal na araw ni Poleng, ay nagtungo ang kanilang pamilya sa Tagaytay, Highlands. At dito nga ay makikita na nagkaroon ng masayang bonding ang pamilya Luna. Sa kanilang pag-uwi kinagabihan ay nakasama naman ni Poleng ang pamilya Sotto sa kanilang tahanan kung saan nga ay may inihandang intimate family dinner.

Makikita nga sa mga larawang ibinahagi ng aktres na nakasama nila sa kanilang tahanan ang mga anak ni Bossing na sina Oyo Boy at Danica Sotto. Naroon rin ang asawa ni Oyo na si Kristine Hermosa at ang ilan pa sa miyembro ng kanilang pamilya. Hindi naman maikakaila na malapit sa isa’t isa sina Poleng at ang mga anak ni Bossing, at masisilayan nga sa mga larawan ang isang masayang pamilya.

Dahil nga sa nag-uumapaw na pagmamahal sa kanya ng kanyang pamilya at mga taong patuloy na sumusuporta sa kanyang karera ay talagang labis ang kanyang pasasalamat.

Thank you for all the birthday greetings and wishes! I feel so loved! God bless!” saad ng aktres.

Si Pauleen Luna ay kilalang aktres at host ng noontime show na Eat Bulaga. Natagpuan naman niya ang kaligayahan ng kanyang puso sa piling ni Vic Sotto. At ang kanilang pagmamahalan ay nauwi sa pag-iisang dibdib noong January 3, 2016 na naganap sa St. James The Great Parish Church sa Alabang.

error: Content is protected !!