Connect with us

Entertainment

Pauleen Luna-Sotto, Ipinasilip ang Masayang Bonding ng Kanyang Mag-amang sina Bossing Vic Sotto at Baby Tali Habang Ginagaya ang Sayaw sa Beauty and the Beast

Hindi mawawala sa bawat pamilya ang magkaroon ng masayang bonding. Kahit nga abala ang bawat isa sa kanilang mga pinagkakaabalahan, ay naglalaan parin ng oras upang makapiling ang pamilya. At ngayong panahon ng pandemya kung saan marami ang nananatili lamang sa kanilang tahanan, ay mas maraming oras ang ginigugol ng bawat isa upang magbonding.




Katulad na lamang nga ng pamilya ng TV host ng noontime show na Eat Bulaga na si Bossing Vic Sotto at asawa nitong si Pauleen Luna-Sotto. Dahil nga, apektado ng pandemya, na kung saan ay bawal lumabas ng bahay ang mga senior na tulad ni Bossing Vic, ay nanatili na lamang siya sa kanilang tahanan upang makasama ang anak nila ni Pauleen na si Baby Tali.

Sa mahabang panahong pananatili sa loob ng tahanan ay mas lalong naging matibay at maganda ang relasyon ng mag-ama dahil sa madalas nilang pagba-bonding.

Makikita nga na madalas ibahagi ni Mommy Pauleen sa social media ang masayang bonding moments ng kanyang mag-ama na talaga namang kinagigiliwan ng mga netizens.




At kamakailan nga, ay ipinasilip na naman ni Pauleen ang masayang bonding ng mag-ama. Sa video na ibinahagi ni Pauleen sa facebook na naglalaman ng 1:36 minuto, ay makikita ang nakakatuwang bonding ng mag-ama. Makikita na nakabihis si Baby Tali ng karakter ni Belle sa Disney movie na Beauty and the Beast. Habang suot nga ang kulay dilaw na damit, ay sumasayaw naman si Baby Tali kung saan ay partner niya ang kanyang ama sa ginagaya nilang eksena ng pelikula na kanilang pinapanood sa nakabukas na TV.

Makikita na talagang enjoy na enjoy ang mag-ama sa kanilang ginagawa. Kung ano nga ang napanood na steps ng sayaw sa pelikula, ay ganun din ang kanilang ginagawa. Samantala, si Pauleen naman na siyang kumukuha ng video sa mag-ama, ay maririnig na tumatawa at masayang-masaya sa kanyang nakikitang tanawin.

“Haaaay my heart ?❤ I love you both. #beautyandthebeast #fatherdaughter #daddysprincess,”caption ni Pauleen sa kanyang post.

Talaga nga namang kinagigiliwan ng marami ang napakacute na si Baby Tali, sa talentong taglay nito. Nakakatuwa rin na nakasuporta ang kanyang mga magulang sa kanyang talento na bata pa lamang ay unti-unti nang nahuhubog. Hindi maikakaila na isa ngang matalino at bibong bata ang napakacute na si Baby Tali.

Samantala, marami na naman ang napasayang netizens ng mag-ama. At ngayon nga ay umabot na ng 2 million views ang naturang video, umabot naman ng 297K likes at reactions ang post ni Pauleen. Bumuhos naman sa comment section ng naturang post ang paghanga at papuri kay Baby Tali at sa kanilang pamilya.

error: Content is protected !!