Connect with us

Entertainment

Pauleen Luna, Ibinahagi Ang Masayang Pagdiriwang Ng Ika-apat Na Taong Kaarawan Ng Kanilang Anak Ni Vic Sotto Na Si Tali

Napakapalad naman talaga ng mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto, dahil ipinagkaloob sa kanila ang isang napakacute, bibo at talentadong anak na kagaya ni Tali.

Madalas ngang ibahagi ni Pauleen at Vic ang mga nakakatuwang litrato at video ni Tali sa social media kung saan nga ay kinagigiliwan ng netizens. Hindi naman talaga maikakailang proud na proud ang mag-asawang Pauleen at Vic sa kanilang anak.

Dahil nga, isang biyaya ang pagdating ni Tali sa kanilang buhay, hindi nila pinalampas ang pagkakataon na pasalamatan at ipagdiwang ang araw ng kapanganakan ng kanilang napakacute na anak, na ngayon ay apat na taong gulang na.

Isinilang ni Pauleen si Tali noong Nobyembre 6, 2017, at sa matuling paglipas ng panahon, ngayong taon nga ay apat na taong gulang na ang cute na bata. At para sa espesyal na araw ng kanyang kaarawan, ay may inihandang selebrasyon ang kanyang mga magulang sa loob ng kanilang tahanan kung saan nakasama nila ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Sa Instagram, ay masayang ibinahagi ni Pauleen ang mga litratong kuha sa masayang pagdiriwang ng 4th birthday ni Tali sa loob ng kanilang tahanan. At makikita nga na talagang pinaghandaan ni Pauleen ang pagsapit ng kaarawan ng kanyang anak kung saan nga ay naging matagumpay, at nag-enjoy ang birthday celebrant na si Tali.

“4th birthday success! Thank you dear Lord for my daughter’s precious life. Seeing her happines today is priceless.”

Mas lalo namang kinagiliwan si Tali nang tanungin ng kanyang Daddy Vic sa isang episode ng Eat Bulaga, kung ano ang birthday wish nito. Nagulat nga ang marami at talagang natawa sa sagot ni Tali nang sabihin nitong isang baby sister kanyang hiling para sa kanyang birthday.

Tila naman, nagdalawang isip si Bossing Vic sa birthday wish ng kanyang anak dahil mukhang imposible ito. Ngunit, saad naman ng komedyante at TV host, ay susubukan raw niyang tuparin ang kahilingan nito.

Biro nga ni Bossing,“Medyo may problema tayo diyan sa wish mo anak, pero ita-try natin ah?”.

Hindi naman maikakaila na talagang masayang-masaya si Tali sa kanyang birthday, at damang-dama ang pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa kanya, lalo na nga ng kanyang mga magulang na gagawin ang lahat para sa kanyang kaligayahan.

Bumuhos rin ang pagbati para sa kaawaran ni Tali mula sa netizens at kanyang mga tagahanga.

“Happy happy birthday Tali, enjoy your special day. Be a good girl. Godbless stay safe.”

“Happy birthday..wish you all the best. Take care Godbless.”

error: Content is protected !!