Connect with us

News

Pauleen Luna, Hindi Napigilang Komprontahin ang Basher na Umalipusta sa kanyang Anak na si Baby Tali

Natural lang sa magulang lalo na sa isang ina ang protektahan at ipagtanggol ang kanilang anak. Kaya naman, sa tuwing may nanlalait o nang-aalipusta sa kanilang anak ay tiyak na ipapakita nila ang pagiging isa na kung saan ay walang sinuman ang maaaring humamak sa kanilang anak.

Naging usap-usapan nga kamakailan sa social media ang hindi kanais-nais na ginawa ng isang netizen na nagngangalang Patrich Walter L. Harris sa anak nina Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto na si Baby Tali. Ang basher na si Patrich ay tinawag na “Pangit na bata” si Baby Tali sa larawang ipinost nito kung saan kasama ang ama ni Baby Tali na si Bossing.




Photo credits: TRNDS | Facebook

Photo credits: TRNDS | Facebook




Photo credits: TRNDS | Facebook

 

Photo credits: TRNDS | Facebook        

Maraming mga netizens ang hindi natuwa sa ginawang ito ng basher na si Patrich at inulan ng mga negatibong komento ang naturang post hanggang sa nakarating ito sa ina ni Baby Tali na si Pauleen. At bilang isang ina nga, ay hindi napigilan ni Poleng na ipagtanggol at protektahan ang kanyang anak kaya naman kinompronta at pinaalalahanan niya ang basher na ito.

Photo credits: TRNDS | Facebook




Photo credits: TRNDS | Facebook

 

Photo credits: TRNDS | Facebook

“I would just like to let you know that I can sue you for shaming and cyberbullying a minor,”

saad ni Poleng sa basher.

Photo credits: TRNDS | Facebook

Ngunit, tila matigas talaga ang loob ng basher na ito dahil mas pinili pa nitong makulong kesa humingi ng public apology.

Photo credits: TRNDS | Facebook

Sa pamamagitan ng Facebook page na @TRNDSmnl, makikita ang naging palitan ng salita nina Poleng at ng basher kaugnay kay Baby Tali.




Photo credits: TRNDS | Facebook

Hindi naman nagtagal ay binura na ni Patrich ang kanyang post patungkol kay Baby Tali. At sa huling update nga ng Facebook page TRNDS, makikita na tila nahimasmasan na ito sa maling ginawa. Dahil, kung noong una ay hindi agad ito humingi ng dispensa, sa pagkakataong ito ay nagpost na si Patrich ng paghingi niya ng paumanhin sa maling nagawa. At ayon nga sa public apology ni Patrich, sana raw ay matanggap ng mga magulang ni Baby Tali at ng publiko ang kanyang taos pusong paghingi ng paumanhin.

“Ako po si Patrich Walter Harris, taos-pusong humihingi ng sorry sa lahat ng magulang at sa lahat ng taong nasaktan sa mga nasabi ko lalo na po sa pamilya ni Ma’am Pauleen Luna Sotto at sa lahat po ng followers, supporters, fans ni Pauleen at family Sotto. Ako ay taos-pusong humihingi ng sorry sa inyong lahat. Ako ay nagsisi sa mga nasabi kong mali sa inyong lahat at sana tanggapin niyo ang taos-pusong pahingi ko ng sorry sa inyong lahat. Pasensya na kayong lahat! Thank you so much.”

Tila natutunan na ng basher ang leksyon sa kanyang maling ginawa. Tunay na hindi maganda ang manghamak ng kapwa lalo na kung sa isang inosenteng bata na tulad ni Baby Tali.

error: Content is protected !!