Connect with us

Entertainment

“Pasalamat Ako Sa Diyos, Kuripot Ang Asawa Ko”: Billy Crawford, Ipinagpasalamat Ang Pagiging Kuripot Ng Kanyang Asawang Si Coleen Garcia Dahilan Para Mamanage Nang Mabuti Ang Kanilang Pera

Bilang mag-asawa ay magkatulong sina Billy Crawford at Coleen Garcia sa mga gastusin at pagtaguyod ng kanilang binuong pamilya. Ngunit, sa isang panayam sa Pep.ph, ay inamin ng TV host, na hindi siya mapapagkatiwalaan sa paghawak ng pera ng kanilang pamilya. Kaya naman, malaki ang pasasalamat ni Billy dahil sa pagiging kuripot ng kanyang misis ay nagagawa nitong hawakan nang maayos ang pera ng kanilang pamilya.

Credits: Coleen Garcia Crawford | IG

“Oh my god, no! Ang mga lalaki hindi puwede pagkatiwalaan sa mga pera! No! Mahilig ako sa toys. I’m an impulsive person, kaya pasalamat ako sa Diyos, kuripot ang asawa ko.”

Ayon nga kay Billy, ay kuripot raw si Coleen dahil mas inuuna nito ang bagay na mahalagang bilhin, at mas prayoridad nito ang mga kailangan lang ng kanilang pamilya lalo na ngayong may anak na sila.

“[Si Coleen] talaga ang, alam mo yung, ‘Psst! Huwag mo bilhin iyan. Bakit mo bibilhin iyan? Kailangan natin pang ganito para kay Amari!’ [Ako naman], ‘Tama ka, love!’ Mga ganun, di ba”

Credits: Coleen Garcia Crawford | IG

Pagbabahagi pa ni Billy, dahil daw kay Coleen kung bakit balanse ang buhay nila ngayon. Pagdating kasi sa pagbabudget sa kanilang bahay, ay talagang napakagaling umano ni Coleen.

“You need that balance in your life, e. And Coleen does that for me. She budgets things very, very well.”

Credits: Billy Crawford | IG

Ibinunyag rin ni Billy na pagdating sa damit o sapatos, ay hindi mahilig sa mga branded si Coleen dahil napakasimple lamang ng kanyang misis at marunong lang talagang magdala ng sarili.

Isa namang maganda sa samahan nilang mag-asawa, ay hindi sila nag-aaway pagdating sa pera. Ayon nga kay Billy, ay ayaw niyang ang pera ang pumagitna sa kanilang relasyon. Dahil mas naniniwala siya na kapag Diyos ang naging idolo niya, ay aapaw ang biyaya sa kanilang pamilya.

“Money is so evil na gusto ng mga tao na magpatayan dahil sa pera. And the only way to survive is to have money.”

“Ayokong pananaw [iyan], hindi ko ina-idol ang pera. Ang Diyos ang iniidolo ko. At darating at darating ang pera, as long as you work hard for it. Yun lang.”

Credits: Billy Crawford | IG

Ibinahagi rin ni Billy ang bagong negosyo nila ni Coleen, at ito nga ang kanilang food business na tinawag na Casa Crawford. Inamin naman ni Billy, na hindi madali ang magpalago ng negosyo ngayon lalo na’t nasa gitna ng pandemya. Kaya naman, mas nakatuon ang pansin ni Billy sa seguridad ng kanilang pamilya.

“I do have a few things lined up here and there. Pero medyo mahirap kasi to go into business nowadays dahil it’s pandemic season, di ba? So for anything, ang goal talaga namin ngayon is yung security ng family ko. That’s what my goal is.”

Sa ngayon ay may parating ring mga proyekto si Billy na dapat abangan ng kanyang mga tagahanga. Maliban naman sa kanilang negosyong Casa Crawford, ay abala rin siya sa pag-promote ng kanyang clothing line para sa motorcycle jersey na may collab ng Imprint Customs.

Credits: Coleen Garcia Crawford | IG

“Ayun, yung clothing line ko for motorcycle jerseys, the Bogus Baby with Imprint Customs, we just started that. Nag-start yung production, nag-sell out kami ng first day ng nilabas namin. So yung mga tipong small things pero makakatulong din naman sa pamilya at the end of the day.”

error: Content is protected !!