Connect with us

Entertainment

Partner ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo, Pinabilib ang mga Netizens Matapos Maabot ang 14 Meters Free Dive

Ang partner ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo, ay kilala bilang isang mahusay na surfer sa bansa. Hindi maikakaila na kahanga-hanga ang galing at husay ni Philmar bilang isang surfer, dahilan upang ilang ulit na siyang nagwagi sa mga kompetisyon.

Ngunit, hindi lang pala bilang isang surfer ang hahangaan kay Philmar, kundi kahanga-hanga rin ang kakayahan nito bilang isang diver. Kamakailan nga, ay pinabilib ni Philmar ang mga netizens matapos niyang maabot ang 14 meters na free dive.




Sa Instagram, ibinahagi ni Philmar ang kuha ng larawan, habang siya’y nasa ilalim ng karagatan. Sa nasabing larawan, makikita na nagawa nitong sumisid sa ilalim ng tubig ng walang gamit na anumang breathing aparatus. Sa lalim nga ng tubig na 14 meters ng walang hingahan, ay talagang nakakamangha ang ginawang ito ni Philmar.

Nilakipan naman ito ni Philmar ng caption na:

“Dove 14 meters under Yesterday”

Photo credits: chepoxz | Instagram

Photo credits: chepoxz | Instagram

Dahil nga, sa kahanga-hangang kakayahan ni Philmar, ay agad umani ang kanyang post ng maraming likes at puno ng paghangang komento mula sa mga netizens.

Si Philmar ay nakilala ng aktres na si Andi Eigenmann, tatlong taon na ang nakakalipas. Magmula nga noon ay malaki ang nabago sa pamumuhay ng aktres, mula sa isang marangyang pamumuhay ay buong pusong niyakap ni Andi ang simpleng pamumuhay sa isla ng Siargao.

Dahil sa labis na pagmamahal sa isa’t isa, ay agad nagbunga ang kanilang pagmamahalan, ito nga si Baby Lilo. Maliban naman kay Baby Lilo, ay malapit na rin masilayan ang dagdag na miyembro ng kanilang pamilya, dahil si Andi ay malapit nang isilang ang kanilang pangalawang anak.




Matatandaan na dahil sa ipinatupad na lockdown sanhi ng pandemya, ay hindi na nakabalik ang mag-iinang Andi, Baby Lilo at Ellie sa isla ng Siargao, kaya naman upang muling magkasama, ay mismong si Philmar na ang nagtungo sa lungsod ng Maynila.

Samantala, sa ngayon ay masayang nagbabakasyon sina Philmar at Andi, kasama ang dalawang anak na sina Baby Lilo at Ellie sa Mabini, Batangas. At makikita nga, na talagang enjoy na enjoy ang kanilang pamilya sa masaya nilang bakasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)


Matatandaan naman na inanunsyo ni Andi ang kanyang pagbubuntis sa pangalawang anak nila ni Philmar, noong nakaraang buwan ng Agosto. At ang bagong miyembro ng kanilang pamilya, na magbibigay saya at kulay ay isisilang ni Andi sa susunod na taong 2021.

error: Content is protected !!