Connect with us

Entertainment

Partner ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo, Hindi Napigila ang Pag-iyak Matapos Makita ang kanyang Mag-iina sa Video Call

Published

on

Malaki nga ang nabago sa pamumuhay ng aktres na si Andi Eigenmann magmula ng makilala niya ang surfer na si Philmar Alipayo. Mula sa marangyang pamumuhay sa lungsod ay mas pinili ni Andi na magkaroon ng simpleng pamumuhay sa isla ng Siargao kasama ang kanyang partner na si Philmar at kanyang mga anak na sina Ellie at Baby Lilo.




Sa pagdaan naman ng pahanon ay nakasanayan na ni Andi at kanyang mga anak ang buhay sa isla kung saan makikita na talagang masaya at nag-eenjoy sila sa pamumuhay na mayroon sila sa Isla.

Dahil nga sa ipinakitang kasimplehan sa buhay ni Andi at pagmamahal niya kay Philmar, marami ang humahanga sa kanilang love story. Hindi naman talaga maitatanggi na dapat hangaan ang tulad nila na mas namayani ang dikta ng mga puso kesa sa pansariling interes. At ngayon nga, ay mas lalo pa nilang pinatunayan ang kanilang pagmamahalan sa publiko na hindi hadlang ang estado ng pamumuhay upang makapiling ang taong minamahal.

At kamakailan nga, ay muli na namang pinahanga nina Andi at Philmar ang mga netizens sa kanilang nakakaantig na video. Sa video nga, mapapanood na hindi na napigilan pa ni Philmar ang maluha at tuluyan na ngang naiyak matapos makita ang kanyang mag-iina sa video call kung saan ay naka-live pa.

Kaya naman, laking gulat ni Andi na makitang umiiyak ang kanyang partner na si Philmar dahil nga naka-live sila habang nag-uusap.

“Aww mahal, is he crying? Mahal, it’s live! Don’t cry.”

Pagbungad palang ng mukha ni Andi at ng kanyang mga anak sa video, ay makikita na masayang-masaya si Philmar na makita ang kanyang mag-iina, ngunit ilang sandali pa nga ay tinakpan na nito ang kanyang mukha dahil sa pigil na pag-iyak at umalis na ng tuluyan sa harap ng kamera upang itago ang emosyon.




Tuluyan na ngang naiyak si Philmar matapos makita ang kanyang mag-iina at hindi na ito muling bumalik pa sa harap ng kamera upang kausapin si Andi. Tila miss na miss na ni Philmar ang kanyang pamilya na nawalay sa kanya ng maikling panahon.

Ayon sa ilang ulat, kasalukuyang nasa Manila si Andi kasama ang mga anak na si Ellie at Baby Lilo upang magdiwang ng kanyang kaarawan. Hindi pa naman ganun katagal ang pagkakawalay nila sa isa’t isa ngunit para kay Philmar ay tila napakahabang panahon na ito. Kaya naman, miss na miss na niya ang kanyang pamilya at nais na rin niyang makasama ang mga ito.

Ang senaryong ito ay isang patunay na napakalalim ng pagmamahal ni Philmar kay Andi at kanilang mga anak. Tunay at tapat na pagmamahal na walang-katumbas ang alay ni Philmar kay Andi. Kaya naman, hindi rin maikakaila na ang aktres ay labis ring napamahal kay Philmar na handang isakripisyo ang lahat makasama lang siya.

Andi Eigenmann, startled when Philmar suddenly cried while they are having a video chat

WATCH: Andi Eigenmann, startled when Philmar suddenly cried while they are having a video chatAww mahal, is he crying? Mahal, it's live! Don't cry."

Posted by Its all about Andy & Philmar on Saturday, 25 July 2020

 

error: Content is protected !!