Connect with us

Stories

“Parang wala silang Nakaraan” Lolit Solis Sinabing parang Walang Pakialam si Philip Salvador at James Yap sa Pinagdaraanan ni Kris Aquino

Hindi nakaligtas ang dating karelasyon ni Kris Aquino na sina James Yap at Philip Salvador kay Manay Lolit Solis, sinabi ng beteranang kolumnista na parang walang ginagawang contribution si James at Philip sa kanilang mga anak kay Kris na si Bimby at si Joshua.

Sa isang blog na isinulat ng beteranang kolumnista na si Lolist Solis, patanong na isinulat ni Manay Lolit kung ano nga ba ang naging contribution ng ama ni Joshua na si Philip Salvador sa loob ng 27 years lalo na ang ngayon ay binata nang si Joshua ay may Special Needs.

Photo credits: Kris Aquino World | IG

“Siyempre pa, iniisip ng lahat na for 27 years ano kaya ang naging contribution ni Phillip sa paglaki ni Joshua na may mga special needs pa naman.

Ngayon na nasa seryosong lagay ang kalusugan ni Kris, na foremost sa isipan niya ang kapakanan ni Joshua na isang special person, bigla lumabas ang ‘ano ba ang ginagawa ni Phillip Salvador?’”

Photo credits: Kris Aquino World | IG

Pagbabahagi din ng beteranang kolumnista na malaki ang posibilidad na wala sa mga priority na tao ni Kris si Philip na kung ano man ang mangyari sakanya ay pagiiwanan niya kay Joshua dahil sa loob ng ilan taon ay naging independent si Kris sa pagpapalaki sa kanyang anak na si Joshua ng walang tulong ni Philip Salvador.

“Siguro nga wala ito sa priority ng mga taong nasa isip ni Kris na puwedeng pag iwanan sa anak kung sakali. For years talagang independent sa pagiging mother ng mga anak ni Kris.”

Bilib si Manay lolit Solis kay Kris Aquino dahil napalaki niya ng maayos ang kanyang mga anak, sinabi din ni manay lolit na kahit ang dating PBA basketball superstar na si James Yap ay parang walang contribution sa paglaki ni Bimby, kaya naman bilib na bilib si manay dahil kinaya ni Kris na akuin lahat ng responsibilidad.

Photo credits: Kris Aquino World | IG

“Kahit pa nga si James Yap mukhang walang ginagawang contribution sa paglaki ni Bimby. Kaya nga kahanga-hanga na kinakaya lahat ni Kris ang responsibilidad.”

Ang maiwan niya ang kanyang mga anak ang pinaka kinakatakutan ni Kris lalo na’t hindi maganda ang kanyang kalagayan ngayon.  Marami din daw ang hindi nakakaalam kung gaano nahihirapan si Kris pero kahit sobrang hirap na hirap ito ay tahimik lang ito, at ang laging nasa isip lang nito ay ang kapakanan ng kanyang mga anak. Sana maunawaan daw natin ang kalagayan ngayon ng aktres.

“Kung alam lang ng lahat how quietly suffering si Kris sa kanyang sakit, at laging iniisip kung ano ang magiging kapalaran ng mga anak niya, mauunawaan natin ang kalagayan niya.”

Photo credits: Kris Aquino World | IG

Hiniling naman ni manay lolit na isama sa panalangin si Kris na sana ay maging maayos ang lahat sa buhay nito at makayanan ang kanyang pinagdaraanan.

“Idalangin natin na maging maayos lahat sa buhay ni Kris, pray for her.”

error: Content is protected !!