Connect with us

Entertainment

‘Parang wala ng mga basura’: Unkabogable Star Vice Ganda, Nabighani sa Ganda ng Boracay sa Kanyang Muling Pagbisita sa Isla Kasama ang Kanyang mga Kaibigan

Maihahalintulad nga ang ganda ng isla ng Boracay sa isang paraiso, dahil sa mala-bughaw nitong tubig, puting dalampasigan at nakakabighaning tanawin. Hindi nga nakapagtataka kung isa ang Boracay sa ipinagmamalaking tourist spot sa ating bansa na dinadayo ng mga turista. Tiyak nga na mag-eenjoy ang sinumang turista sa kanyang pananatili rito.

Ngunit, dahil nga sa hindi mabilang na tao ang bumibisita at nagbabakasyon sa isla, ay hindi rin maiwasan na magkaroon ito ng basura at maging madumi ang ilang bahagi ng paraisong ito. Mabuti na lamang nga, at sa panahon ng rehabilitation kung saan ay pansamantala itong isinara, ay tila ba nagkaroon rin ng panahon ang isla upang makapaghinga. Kaya naman, ito’y tila naging isang bago at napakaaliwalas tingnang lugar ngayon.




Ganun na lamang nga ang pagkamangha ng Unkabogable star na si Vice Ganda, nang muli siyang bumisita sa Boracay kasama ang kanyang mga kaibigan upang mag-relax at magsaya.

Sa vlog ni Meme Vice na ibinahagi sa kanyang Youtube Channel noong ika-22 ng Disyembre, na pinamagatang “NAGKALABASAN NG BAHO AT SIKRETO SA BORACAY”, ay ipinasilip niya ang kanilang masayang pananatili sa Boracay kasama ang kanyang assistant na si Erna at ilang kaibigan.

Matapos tumuloy sa hotel, ay agad na nagtungo si Meme Vice sa dalampasigan, at isang bagay ang kanyang napansin matapos niyang muling bumisita sa isla pagkatapos ang 6 na buwang rehabilitasyon at pagsasara nito sa publiko. Bukod nga sa magandang tanawin na hatid ng Boracay, ay napansin rin ng komedyante ang malinis na tubig na kung saan ay masisilayan ang bughaw nitong kulay, at sadyang napakalinis rin ng tubig na tila wala ng basura.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

“So happy to be back here. In fairness makikita mo ang laki ng improvement niya. Ang linis. Makikita mo sky blue talaga siya. Nawala yung mga green. Parang wala ng mga basura. Malinis,”pahayag ni Meme Vice na may paghanga.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Habang naglalakad nga sa puting buhangin ng dalampasigan, ay hindi maiwasan ng komedyante na ipahayag ang kanyang nararamdaman. Inilarawan nga nito na “peaceful, tahimik, simple, calm” ang paraisong isla ng Boracay.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Samantala, bukod nga sa paghanga sa ganda ng Boracay, ay ibinahagi rin ni Meme Vice ang mga nakakatuwang ginawa nila sa kanilang bakasyon.

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Makikita na talagang nag-enjoy ang magkakaibigan sa paglalaro ng volleyball, nagpagalingan rin sa pagbabalanse sa paddle board. Masaya ring kumain at nagkaroon ng Q&A habang kumakain ang magkaibigang Erna at Meme Vice.




Photo credits: Vice Ganda | Youtube

Sa kanilang masayang bakasyon nga, ay hindi maikakaila na hindi lamang bagong mukha ng Boracay ang kanilang naenjoy, kundi pati narin ang mga nakakatuwang adventure nilang magkakaibigan.

error: Content is protected !!