Connect with us

Entertainment

“Parang malaking daga”: Vilma Santos, Inamin na Napapangitan sa Kanyang Anak na si Luis Manzano Noong Una Niya Itong Makita Pagkapanganak

Si Luis Manzano ay kilala sa industriya ng showbiz bilang isang mahusay na aktor, komedyante at TV host. Bilang isang host ng iba’t ibang show ay marami nang nakapanayam si Luis, ngunit sa mahabang panahon niyang pagiging host, ay hindi siya nabigyan ng pagkakataong makapanayam ang kanyang sariling ina na si Vilma Santos.

Kaya naman, kamakailan lamang sa kanyang vlog na mapapanood sa kanyang Youtube Channel, ay isang “HEART-TO-HEART TALK WITH MOMSKI”, ang hatid ni Luis kung saan nga ay may mga nakakatuwang ibinato ang TV host-comedian sa kanyang inang si Ate Vi.

Unang katanungan ni Luis para kay Ate Vi, ay kung sino ang una nitong sinabihan na ipinagbubuntis na siya ng kanyang ina. Ipinaliwanag nga ni Ate Vi ang kanyang kasagutan at binanggit ang mga taong malalapit sa kanya na unang nakaalam na siya’y buntis na. Pag-amin pa ni Ate Vi, si Luis umano ay isang honeymoon baby.

Isa naman sa nakakatuwang katanungang ibinato ni Luis sa kanyang ina, ay kung totoo na napapangitan ito sa kanya noon nang una siyang makita pagkasilang kanya. Walang paligoy-ligoy na sumagot ng “oo” si Ate Vi, at talagang tawang-tawa ito sa naging katanungan ng kanyang anak.

Diretsahang pag-amin nga ni Ate Vi, ay hindi niya talaga nagustuhan ang hitsura ni Luis noong una niya itong makita sa nursery. Ayon kay Ate Vi, ay napakaputi raw ni Luis noong isinilang niya ito at napakalaking sanggol rin raw nito. Hindi na nga napigilan pa ni Ate Vi ang mapahalakhak sa tawa matapos ihalintulad sa isang malaking daga ang hitsura ni Luis noong baby siya. Sa sobrang kaputian ni Luis noon, ay naikumpara rin ito ni Ate sa isang anak araw. Maliban rito, ay wala rin raw umano itong eyebrows.

“Nu’ng ipinanganak kita, cesarean ako nu’ng pinanganak kita. Tapos nu’ng dadalhin na ako, kasi kailangang magpa-breastfeed, dinala ako sa nursery. Pagdala sa nursery, hinahanap kita doon,”kwento ni Ate Vi.

“Tapos may nakita ako, napatingin ako tapos sabi ko, ‘Ang laki naman ng batang to. Ang puti-puti.’ Walang eyebrows at ang puti-puti. Parang anak araw. Kinausap ko yung nurse, sabi ko, ‘Nurse, nasaan po yung anak ko?’ Sumagot siya, ‘Ayan ho.’ Huh!?,”pagpapatuloy ni Ate Vi.

“Bakit ganito itsura? Ang puti-puti. Walang eyebrows. Parang malaking daga! Ito ba ’yong anak ko? Hahaha!”

Hindi rin naiwasan ni Luis ang matawa sa naging reaksyon ng kanyang ina. Ngunit, nilinaw naman ni Ate Vi na sa unang tingin lang niya nasabi ang kanyang naging reaksyon dahil habang tinititigan niya ito ng matagal ay unti-unti na nga itong gumagwapo sa kanyang paningin.

Samantala, pag-amin naman ni Ate Vi nang malaman niyang ipinagbubuntis niya si Luis sa kabila ng nadamang takot, ay talagang kakaibang saya at excitement ang kanyang naramdaman.

error: Content is protected !!