Connect with us

Entertainment

“Parang magkakapatid lang”: Aiko Melendez, Pinabilib ang mga Netizens sa Kanyang Younger-Looking Photo Kasama ang mga Anak

Nagmistulang magkakapatid sa ibinahaging larawan sa social media ang aktres na si Aiko Melendez at ang kanyang dalawang anak na sina Marthena Jickain at Andre Yllana.

Matapos mag-trending ang mala-high school na awra na ibinahagi ni Aiko kamakailan sa Instagram, ay muli na naman niyang nakuha ang atensyon ng mga netizens sa panibagong larawan.

Photo credits: Aiko Melendez | IG

Matatandaan na noong ika-15 nang Hunyo nang ibahagi ni Aiko sa Instagram, ang isang larawan na kung saan makikitang nakasuot siya ng kompotable blue tshirt, na pinaresan ng denim short at rubber shoes, at ang buhok naman niya ay naka-clip. Ang nasabing larawan kung saan masisilayan ang kanyang batang-bata at fresh na fresh na mukha, at napakaseksing pigura na animo’y isang dalaga, ay umani ng paghanga at papuri mula sa mga netizens at mga kaibigan niya sa showbiz. Marami rin ang natuwa at nainspire kay Aiko matapos niyang ibahagi ang kanyang fitness journey.

Photo credits: Aiko Melendez | IG

At nitong nakaraan lamang, ay muli umani ng papuri si Aiko, dahil sa kanyang kahanga-hangang fit and healthy figure, at younger-looking glow. Ngunit sa pagkakataong ito, ay kasama ni Aiko ang kanyang dalawang anak na sina Marthena Jickain at Andre Yllana.

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Aiko ang nakangiting larawan nilang mag-iina kung saan nilakipan niya ng caption na:

“My Life @andreyllana @jickainmarthena”

Agad napansin ng maraming netizens ang batang mukha ni Aiko, sa edad nga nitong 45 taong gulang, ay tila nagmukhang dalaga ang batikang aktres. Tila nga kapatid lamang siya ng kanyang 14 taong gulang na anak na si Marthena, at 22 anyos na si Andre.

Nag-iwan nga ang mga netizens ng komento na puno ng paghanga at papuri. Narito ang komento ng ilan:

“Parang magkakapatid lang wow super ageless si ate aiks”

“Ay Ate Lang peg”

“Panganay ka po!!!”

“Magka kapatid lang? Blessed naman… God bless guys”

Photo credits: Aiko Melendez | IG

Photo credits: Aiko Melendez | IG

Matatandaan na noong nakaraang taon nang simulan ni Aiko ang kanyang balik alindog program na siyang nagbigay ng inspirasyon sa marami matapos masilayan ang kanyang matagumpay na fitness journey. Sa isang Instagram, ay ibinahagi niya ang isang inspiring post para mamotivate rin ang iba pang tulad niyang nais bumaba ang timbang at maging healthy.

Photo credits: Aiko Melendez | IG

Ayon naman kay Aiko, ang nakikita ngayon ng publiko sa kanyang katawan ay produkto ng determination, motivation at prayer. Ibinahagi rin ni Aiko, ang ilan sa kanyang sikreto at ginagawa para makamit ang kanyang fit and healthy body. Maliban nga, sa kanyang healthy diet, ay sinasamahan rin niya ito ng regular exercise. At dahil nga, hindi sumuko para makamit ang goal, ay kitang-kita naman talaga ang napakalaking pagbabago sa kanyang katawan.

 

error: Content is protected !!