Connect with us

Entertainment

“Para sa kaalaman ng lahat ang Area po ay 2,300 sqm”: Megastar Sharon Cuneta, Ipinasilip ang kanyang Ipinapatayong Mega Mansion na Halos Kasing Laki ng Isang Mall

Marami na naman ang pinahanga at pinabilib ni Megastar Sharon Cuneta matapos niyang ipasilip ang disenyo ng kanyang ipinapatayong mansyon na halos kasing laki na ng isang mall.

Sa kanyang Instagram ay may pagmamalaking ibinahagi ni Sharon ang ipinapatayong mansyon na magiging tahanan ng kanyang pamilya sa Silang, Cavite. At ang nasabing napakalaking mansyon ay itinatayo sa limang lote na kanyang nabili sa Ayala Westgrove Heights. Ngunit, ayon kay Sharon ay kalahati lamang daw ng property ang sa kanya dahil marami siyang kinakailangang ilagay rito.

Samantala, sa laki at lawak ng itinatayong bahay ay maaari raw abutin ng mahigit isang taon sa pagpapatayo ng bahay. Sa lawak at sukat nga nitong 2300 sqm ay maihahalintulad ito sa isang napakalaking mall.

Nagbigay rin ng update si Sharon sa construction ng ipinapagawang bahay. Ayon nga kay Sharon, ang 3-story house na ito, ay may kasamang pool area at dog house. Ngayon nga, ay tapos na ang construction ng basement parking.

“House Construction Update: Basement parking done. Ground floor being worked on now on the Family House Wing. This is half of our whole house. They are now excavating and starting on the other half of the house, which is MY wing.”

Pagbabahagi pa nga ni Sharon, ay magkakaroon siya ng sariling space, ang kanyang “She Cave”.

“Yes I will have my own half of the home for my books, clothes, studio for vlogs, maybe a small recording studio, dressing room, etc. – my “She-Cave.” So inuna muna yung main house naming pamilya. Connecting ang house ko na may basement so 3-stories siya dahil hindi pang parking ang basement ko.”

“Matapos sana agad – pero mga 1-1/2 years pa siguro – para lahat ng doggies ko makalipat na rin sa house nila sa may pool, may garden na kami at may sariling kuwarto ang iba sa doggies ko sa family home.”

“For those asking, the total floor area of our home will be about 2,300 sqm. built across 5 lots (total lot area more or less 3,000 sqm.), scaled down from the original plan of 3,500 sqm. floor area, not including the pool, poolhouse and doghouse of course.”

Sa hiwalay na post naman ni Sharon, ay ibinahagi niya na ang napakagandang disenyo ng kanyang bahay ay likha ng kaibigan niyang architect na si Conrad Onglao, partner ni Zsa Zsa Padilla.

Sinabi rin ni Sharon na kahit nga pandemya, ay ipinagpatuloy niya ang pagpapagawa sa kanyang napakalaking bahay, upang makatulong sa naapektuhan ng pandemya na nawalan ng trabaho lalo na sa mga construction worker. Ito nga ay matapos kwestyunin ng ilang netizens ang pagpapagawa niya ng bahay sa gitna ng pandemya.

error: Content is protected !!