Connect with us

Entertainment

Para Sa It’s Showtime Host Na Si Jhong Hilario At Kasintahan Nito, Hindi Mahalaga Ang Agwat Ng Edad Sa Pag-iibigan

Si Jhong Hilario o Virgilio Viernes Hilario,Jr sa totoong buhay ay nakilala sa industriya ng showbiz bilang sikat na mananayaw at aktor.

Photo Credit: Jhong Hilario Instagram




Miyembro siya ng dance group na “Streetboys” na talagang kinakiligan at hinangaan ng publiko noon. Maliban sa pagiging aktor at dancer, pinasok rin ni Jhong ang politiko, sa kasalukuyan nga ay nagsisibli siya bilang konsehal sa Makati City.

Photo Credit: Jhong Hilario Instagram

Sa pagiging aktor naman, marami rin siyang ginawang pelikula na tumatak sa puso ng sambayanang Pilipino na talagang hinangaan ang kanyang galing at husay sa pag-arte. Ilan nga sa kanyang mga natatanging pagganap sa pelikula ay ang “Muro Ami” noong taong 1999 kung saan ginampanan niya ang karakter bilang “Butong”, “D’ Anothers” noong taong 2005 at pelikulang “Dekada ’70” noong 2002.

Photo Credit: Jhong Hilario Instagram




Sa kabila naman nang matagumpay na karera ni Jhong sa industriya ay siya namang paglabo ng relasyon nila ng kanyang asawa na si Michelle Westgate, kaya naman noong taong 2011 ay nauwi sa hiwalayan ang dalawa.

Photo Credit: Jhong Hilario Instagram

Ngunit matapos ang ilang taon, muling naging masaya ang puso ni Jhong dahil muli itong binuhay at binigyang kulay ng kasintahang si Maia Azores na kung saan ay halos higit walong taong magkarelasyon na bilang magkasintahan.

Photo Credit: Jhong Hilario Instagram




Ang long-time girlfriend na ito ni Jhong ay nagtatrabaho umano sa isang local airline company. Masaya ang relasyon ng magkasintahan, ngunit marami rin ang mga kilay na nakataas sa estado ng kanilang relasyon. May mga tao kasi na hindi sang-ayon sa kanilang relasyon dahil sa 15 na taong agwat ng kanilang edad ngunit hindi ito naging hadlang sa kanilang tunay at wagas na pagmamahalan, dahil mas lalo pa silang naging matatag at sa kasalukuyan nga ay halos walong taon na silang magkasintahan.

Photo Credit: Jhong Hilario Instagram

Si Jhong ay 43 taong gulang na, samantalang si Maia ay 28 taong gulang naman ngunit ang 15 taon na agwat ng kanilang edad, ay hindi naging dahilan upang iparamdam ang pagmamahal sa isa’t isa. Kitang-kita rin sa kanilang social media account, na tunay nga talaga silang masaya sa kanilang relasyon at talagang mahal ang isa’t isa.

Photo Credit: Jhong Hilario Instagram




Bilang magkasintahan, mahilig ang dalawang mamamasyal at mag-explore sa magagandang lugar sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Ang kasintahan naman ni Jhong na si Maia ay sadyang napakasweet ay talagang ipinaparamdam ang pagmamahal sa nobyo, kaya naman nang magtungo sila sa Paris, France ay nagbahagi pa ito ng napakasweet na mensahe para sa nobyo.

Photo Credit: Jhong Hilario Instagram

Narito ang caption ng post ng nobya ni Jhong:

“First time I was here with my FIRST LOVE, My Dad. He brought me and my brother Nitoy when I was 9. The three of us had so much funny memories in Paris I will never forget. Second time I was here was my FIRST TIME to travel alone in Europe. That was such a fun experience. I got to go around in Europe for two weeks with girls my age. It was the ultimate teenage getaway at 16!!! And now, My third time, I am with MY FIRST EVER BF, and it’s his FIRST TIME here! It’s def gonna be another for the books. Can’t wait to make new memories with him! Celebrating our 7th year together”.

error: Content is protected !!