Connect with us

Entertainment

Paolo Ballesteros, Proud Daddy sa Kanyang Anak na si Keira na Nakapagtapos na sa Elementarya ng With Honors

May pagmamalaking ibinahagi ng aktor at TV host ng Eat Bulaga na si Paolo Ballesterros ang tagumpay na nakamit ng kanyang anak na si Keira Claire. Isang proud daddy sa kanyang anak si Paolo dahil ngayon nga, ay nakapagtapos na ito ng elementarya ngayong taon.

Proud na ibinahagi ni Paolo sa Instagram ang larawan ng kanyang napakagandang anak na si Keira habang suot nito ang kulay puting toga. Hindi nga maitago ni Paolo ang kanyang nadaramang kaligayahan sa nakamit na tagumpay ng kanyang anak.

Credits: Facebook

Kasama rin sa ibinahaging napakagandang larawan ni Keira, ang listahan ng mga honor students, kung saan ay napabilang ang pangalan ni Keira. Dahil dito, ay mas lalo pang ipinagmalaki ni Paolo ang kanyang anak na hindi lamang maganda, kundi may angking katalinuhan ring namana sa kanyang ama.

Sa caption ng kanyang post, ay ipinaabot ni Paolo ang kanyang pagbati sa nakamit na tagumpay ni Keira. Mababakas rin ang pagiging proud daddy at pagmamahal sa kanyang anak sa caption.

Credits: Paolo Ballesterros | Instagram

“Congrats anak! I love you❤️❤️❤️berigood👍👍”

Matapos naman ibahagi ang pagbati sa kanyang anak, ay maraming netizens rin ang nag-iwan ng komento sa post ni Paolo upang batiin rin si Keira.

Credits: Facebook

“Congratulations Baby Girl and to the proud parents”.

“Wow. congratulations. Galing naman”

“Omg! dalaga na siya! Congratulations! Keira and to you too @pochoy_29”

Credits: Paolo Ballesterros | Instagram

Hindi naman maikakaila na isa nang ganap na dalaga ngayon si Kiera na taglay ang magandang mukha na namana sa kanyang mga magulang.

Si Keira ay anak ni Paolo sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend na si Katrina Nevada. Sa US ipinanganak si Keira noong November 29, 2008. Bagama’t nagkahiwalay sina Paolo at Katrina, ay maayos naman ang kanilang relasyon para sa co-parenting sa kanilang anak.

Samantala, kahit na kilala si Paolo sa showbiz ay nais parin niyang maging pribado ang buhay ng kanyang anak. Sa kabila nito, ay madalas namang ibahagi ni Paolo ang bonding moments nila ni Keira sa Instagram. Makikita naman na talagang mahal na mahal ni Paolo ang kanyang anak na si Keira.

Credits: Facebook

Minsan naman nang ibinahagi ni Paolo nang makapanayam siya ni Boy Abunda , na ang ilan sa kanyang mga gamit pambabae ay isinusuot ni Keira, at marunong na rin itong maglagay ng make up sa kanyang sarili.

error: Content is protected !!