Connect with us

Entertainment

Paolo Ballesteros, Kinatuwaan ng Publiko Matapos Gayahin ang Mukha ni Heart Evangelista sa Kanyang Make-Up Transformation Bilang Si Miss Hurt para sa Isang Ad

Si Paolo Ballesteros ay isang kilalang aktor, komedyante at TV host sa industriya ng showbiz na talagang namang may taglay na husay at talento. Ngunit, maliban rito ay hinahangaan rin ng marami ang kanyang husay sa panggagaya sa mukha ng mga sikat sa pamamagitan ng kanyang make-up transformation.

Credit: Paolo Ballesteros | Instagram

Madalas gayahin ni Paolo ang mga sikat na celebrities sa Hollywood katulad na lamang Mariah Carey, Angelina Jolie,Ellen DeGeneres, Gal Gadot, Mariah Carey, at ilang Pinoy personalities tulad nina Catriona Gray, Pia Wurtzbach, at Regine Velasquez . At kamakailan lamang nang muling naghatid ng tuwa si Paolo sa publiko matapos niyang gayahin ang sikat na Kapuso star at tinaguriang Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista.

Ginaya niya sa kanyang make-up transformation si Heart bilang si Miss Hurt para sa endorsement ng plastic brand container na Orocan. Ang nakakatuwang paggaya nga ni Paolo kay Heart ay talaga namang kuhang-kuha ang version ng aktres lalo na pagdating sa lifestyle nitong yayamanin at sosyal.

Ang 3 minutong ad ay sinimulan sa iconic ad ng Orocan na nagsasabing:

“Bili na kayo please. ‘Pag nakabenta kami, pramis may endorser na.”

Credit: Paolo Ballesteros | Instagram

Sinundan naman ito ng black-out background kung saan mababasa naman na nakapagbenta na sila, ngunit hindi pa nila afford ang talent fee ng sikat na endorser, kaya kumuha na lang sila ng kamukha nito. At dito na nga pumasok si Miss Hurt, kung saan ay hindi nalalayo ang mukha sa aktres na si Heart Evangelista. Hindi lamang ito, dahil tulad ni Heart ay nakuha rin nito ang yayamanin at sosyal na lifestyle ng aktres.

Makikita na nakasuot si Miss Hurt ng full-face makeup, white long dress at may mahabang buhok. Ipinakita naman ni Miss Hurt ang kanyang husay sa vlogging at agad na ipinasyal ang mga viewers sa kanyang walk-in closet. At dito nga makikitang naka-display ang mga mamahaling bag ni Miss Hurt. Sa isang bahagi naman nito, ay ipinakita niya ang bagong koleksyon sa kanyang mga bag. Ito nga ang Orocan Ice Box na ayon sa kanya ay pinakamurang bag na kanyang nabili sa kanyang collection.

Ipinakita rin na dinala sa labas ni Miss Hurt ang kanyang Orocan Ice Box mula sa grocecy. At pagpasok nga sa bahay, ay bigla nalang itong nawalan ng malay. To the rescue naman ang isang lalaki, na tila ginaya naman ang asawa ni Heart na si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Samantala, matapos naman maka-recover mula sa mini heart attack, ay itinuloy naman ni Miss Hurt ang kanyang vlog kung saan ipinakita niya ang laman ng kanyang dala-dalang bag.

Credit: Paolo Ballesteros | Instagram

“First, I have here my makeup. Of course, I never go out without my makeup.”

“Second, I have here my phone. Next up, my wallet. Of course, I love corned beef. That’s why I always have them when I go out.”

“So in case, you know, if anything should happen to me and I would need a heart replacement, they would just have to look inside my bag.”

Credit: Paolo Ballesteros | Instagram

Marami ang talagang natuwa sa nakakatuwang ads na ito ni Paolo sa paggaya niya kay Heart Evangelista. Na maging si Heart ay natuwa rin, at kinunan pa ng larawan nang madaanan ang billboard ng Orocan ni Miss Hurt. Ibinahagi naman ni Heart sa kanyang Instagram story ang larawan kung saan ay nilakipan niya ng caption na:

“OMG Orocan… don’t be ‘hurt’ na.”

error: Content is protected !!