Connect with us

Entertainment

Panoorin: Official Prenup Video Nina Sarah Lahbati At Richard Gutierrez, Inilabas Na!

Marami na nga sa industriya ng showbiz ang nauuwi ang pagmamahalan sa pag-iisang dibdib. Isa nga sa mga ito sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na nakatakdang ikasal ngayong Marso ng kasalukuyang taon.

Photo Credit: Sarah Lahbati Instagram




Bagama’t may dalawang anak na lalaki na sila, sina Zion at Kai minabuti pa rin nila na magkaroon ng kasal. Ngunit, bago ang kanilang nakatakdang kasal na talagang pinaghandaan, ay nagkaroon muna sila ng prenup photoshoot at video.

Screenshot Sarah Lahbati Instagram

Noong ika-12 ng Marso, inilabas na nga sa publiko ang teaser ng kanilang kaabang-abang na prenup video para sa kanilang nalalapit na kasal. Ngunit, ang naturang video ay napakaespesyal, dahil kakaiba ang tema na kanilang napili para rito.

Screenshot Sarah Lahbati Instagram




Ang kadalasang prenup up shoot na nakasuot ng magagarbong damit na ating nakikita ay hindi ginawa ng magkapareha, bagkus ginawang nilang kakaiba ito sapagkat ang prenup video ay ginawa sa karagatan habang basa at nasa ilalim ng tubig. Malaki ang pagmamahal at pagkahilig ng dalawa sa dagat, kaya naman ito ang naging tema ng kanilang prenup video.

Screenshot Sarah Lahbati Instagram

Sa Instragram account ni Sarah, kanyang ibinahagi ang nakakakamangha nilang prenup video na kung saan ay makikita ang tunay nilang pagmamahalan habang nasa ilalim ng tubig. Sadyang kakaiba ang kanilang prenup video, bagama’t basa sila pareho ay makikita paring napakaganda ni Sarah sa suot na swimsuit samantalang si Richard ay matikas pa ring tingnan sa suot nitong swimming trunks.

Screenshot Sarah Lahbati Instagram




Makikita rin ang pagkakaroon ng koneksyon nilang dalawa. Dahil sa bawat yakap at halik ng magkapareha sa isa’t isa ay nagpapatunay na talagang damang-dama nila ang tunay na pag-ibig na alay para sa isa’t isa.

Screenshot Sarah Lahbati Instagram

Sa naturang post kanya ring pinasalamatan si Bob Nicolas na siyang kumuha ng kanilang nakapagandang video prenup. At nilagyan niya rin ng hashtag na #mrandmrsgutz ang kanyang post sa Instagram.

Screenshot Sarah Lahbati Instagram




“We never had to force love
We were drowning in it
the moment we met?
thank you @bobnicolas for beautifully capturing our prenup video (teaser)? We will be forever treasure this❤
So so grateful…thank you❤
#mrandmrsgutz”

Screenshot Sarah Lahbati Instagram

Ang kakaibang tema at napakagandang kuha ng kanilang prenup photoshoot at video ay kuha ng celebrity photographer na si Bob Nicolas. Sa El Nido Palawan naman na paboritong lugar nina Sarah at Richard parehong kinunan ang napakagandang mga larawan ng kanilang prenup shoot at teaser ng kanilang prenup video.

error: Content is protected !!