Panoorin: Kahanga-hangang Performance Ni Marcelito Pomoy Sa Pag-awit Ng Beauty And The Beast sa AGT: The Champions Finals

Kamakailan lamang nang umani ng papuri ang mahusay na mang-aawit na si Marcelito Pomoy dahil sa kanyang kakaibang talento na “solo-duet” version niya ng pag-awit sa America’s Got Talent: The Champions at ngayon nga ay muli na namang lumikha ng ingay ang kahanga-hangang mang-aawit sa Finals na talagang inabangan ng marami kung saan umawit siya ng Beauty and the Beast.

Screenshot: America’s Got Talent Youtube Channel




Talagang ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang taglay na talento ni Marcelito Pomoy na mas lalong hinangaan ng marami kung saan dinala siya sa Finals ng angking talento at mahusay na inawit ang pambatong kantang Beauty And the Beast para sa finals. Muli niyang ipinamalas ang husay niya sa pag-awit na talagang damang-dama ng puso ang bawat tinig na lumalabas sa kanya.

Screenshot: America’s Got Talent Youtube Channel

Ang kanyang kakaibang talento kung saan nagagawa niyang magboses babae at boses lalaki ng sabay ay talagang kahanga-hanga habang buong pusong inaawit ang Beauty And The Beast. Hindi pa man tapos ang laban ay tila waging-wagi na ang ating kababayan dahil sa galing at taos pusong pag-awit nito.

Screenshot: America’s Got Talent Youtube Channel

Nakatanggap siya ng masigabong palakpakan mula sa mga manonood at papuri naman mula sa mga hurado at inalayan pa ng tatlong hurado si Marcelito ng standing ovation dahil sa sobrang paghanga ng mga ito.

Screenshot: America’s Got Talent Youtube Channel




Ito ang naging komento ng mga hurado sa nakakamanghang performance ni Marcelito.

Ayon kay Heidi, nakakamangha ang ginawa ni Marcelito dahil sa ibat ibang boses na lumalabas sa isang katawan lamang. Maging ang napiling kanta ay tugmang-tugma at damang-dama sa puso.

Screenshot: America’s Got Talent Youtube Channel

“I know it’s the third time you perform in front of us, but it never gets old. Like when those voices are all coming out and it’s like so many voices inside of your body, it is just incredible over and over and over again. I can feel it from the reactions of the audience, too. It’s amazing!” “You are also very, very smart, because you always picked songs that we all know and love, so we can always kind of follow. You’re so incredible.”

Pahayag ni Heidi

Ang hurado namang si Howie ay sinang-ayunan ang naging pahayag ni Heidi.

“Oh, Marcelito! When I first saw you, you blew me away because it was the surprise of it all. Like we don’t expect both voices to come out of one person. I thought it was a gimmick but the second time I saw you, I enjoyed it just as much – if not more! And I feel the same thing about tonight,” “You’re making the right choices on the right song. Great job tonight!”




Ayon naman kay Alesha napakaganda ng naging performance ni Marcelito at maligayang-maligaya ito para sa kanya.

Screenshot: America’s Got Talent Youtube Channel

“Marcelito, the song choice was perfect! And I actually think that you’ve upped your game from the last time we had you sing. The high notes on that song were beautiful. You absolutely nailed it tonight and I couldn’t be happier for you,“Love you!”

Bagamat naging matagumpay ang naging performance ni Marcelito at nakuha ang puso ng tatlong hurado, hindi naman lubos na naantig ang puso ng huradong si Simon sa ipinamalas na performance ng mang-aawit dahil umano mayroon siyang hinahanap na kakaiba at mas makakapagpamangha pa sa mga manonood. Ngunit nagbigay parin ito ng positibong komento para sa mang-aawit.

“You are a very talented guy. On a night like this, I would have done something not predictable. I think you’ve got a massive career in front of you.”