Connect with us

Entertainment

Panoorin: Dimples Romana, Nag-ala Iron Man Upang Surpresahin Ang Anak Niya Sa Kaarawan Nito

Pagdating sa pagpapakita o pagpaparamdam ng pagmamahal sa ating mga mahal sa buhay, lahat ng bagay ay kaya nating gawin mapasaya lamang sila.

Photo Credit: Dimple Romana Instagram




Sa mga espesyal na araw kagaya ng birthday ay talagang pinaghahandaan natin ito, bukod sa simpleng handaan ay naghahanda rin tayo ng surpresa para sa kanila upang maging masaya ang kanilang kaarawan.

Photo Credit: Dimple Romana Official Youtube Channel

Ang aktres na si Dimples Romana ay handang gawin ang lahat mapasaya lamang ang kanyang pinakamamahal na anak na si Alonzo. Kaya naman upang surpresahin ito sa 5th Birthday, ay labis na naghanda ang aktres at nagsuot pa ito ng costume na Iron Man.

Photo Credit: Dimple Romana Official Youtube Channel




Sa vlog ng aktres, ibinahagi niya ang kanyang paghahanda sa supresa niya para sa kanyang anak kung saan nagsuot siya ng costume na Iron Man na ginawa ni Christian Mark Rudil ng Mark Insdustries.

Photo Credit: Dimple Romana Official Youtube Channel

“I am so excited today kasi naisip ko, ang tagal kong hindi nakasama ‘yung pamilya ko. I wanted to surprise Alonzo, kasi siya talaga ‘yung pinakanahirapan with the whole process na hindi niya ako halos nakikita [because of taping] and since mahilig siya sa superheroes ang isa sa paborito niya si Iron Man”

Saad ni Dimples.

Photo Credit: Dimple Romana Official Youtube Channel

Ayon sa aktres, mahilig sa super heroes ang kanyang anak at si Iron Man ang paborito nito kaya naman naisip niyang ito ang gamiting character bilang pagsurpresa rito.




“Naisip ko na why not magpagawa ako ng superhero outfit tapos isu-surprise ko siya.”

Dagdag pa ng aktres.

Photo Credit: Dimple Romana Official Youtube Channel

Nang maisuot na ng aktres ang costume na Iron Man, hind maipinta ni Alonzo ang labis na kaligayahan at pagkamangha nang makita ang paborito niyang superhero at walang kamalay-malay na ang nasa loob pala ng baluti ay ang kanyang inang si Dimples.

Photo Credit: Dimple Romana Official Youtube Channel




Bandang huli, nang buksan na ang mukha ng costume ay nagulat at hindi makapaniwala ang masayang bata na ang ina niya pala ang nasa loob ng costume ng paborito niyang superhero.

Samantala, nag-iwan naman ng isang mensahe ang aktres na si Dimples sa mga magulang na nais ring pasayahin ang kanilang mga anak.

Photo Credit: Dimple Romana Official Youtube Channel

“Sana ma-inspire namin kayo lalo na ‘yung mga parents diyan na you want to surprise your kids. Kunwari galing kayo ng ibang bansa and gusto niyong surprisahen ‘yung mga anak niyo at hindi pa nila alam na umuwi kayo, I suggest that you can also do this lalo na ‘yung parents na madalas hindi nakikita yung mga anak nila”

Pahayag ni Dimple.




Tunay nga na handang gawin ng isang ina ang lahat maibigay lamang ang kaligayahan ng mahal na anak. Pagmamahal na walang makakapantay sa mundo, ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.

error: Content is protected !!