Connect with us

Entertainment

Panoorin ang Wedding Video ng Kasal ng Celebrity Couple na si Carla Abellana at Tom Rodriguez

Isa nang ganap na Mrs. Rodriguez ngayon ang Kapuso star na si Carla Abellana matapos maikasal sa kanyang long-time boyfriend at aktor na si Tom Rodriguez nito lamang ika-23 ng Oktubre.

Photo credits: Carla Abellana | IG

Ang kanilang sagradong pag-iisang dibdib na dinaluhan ng kanilang pamilya at ilan nilang malalapit na kaibigan sa showbiz ay naganap sa San Juan Nepomuceno Parish Church sa Batangas.

Photo credits: Carla Abellana | IG

Agaw pansin ang natatanging kagandahan ni Carla suot ang kanyang napakagandang wedding gown na obra ni Monique Lhuillier. Habang si Tom naman ay napakakisig rin sa kanyang suot na black suit na obra ni Francis Libirian.

Marami ang talagang natuwa sa mga tagahanga ng magka-love team na naghatid ng kilig hindi lamang nga on-screen kundi pati na rin sa tunay na buhay. Makikita namang kasama pareho ni Carla ang kanyang mga magulang na sina Rey “PJ” Abellana at Rea Reyes sa kanyang espesyal na araw na naglakad papunta sa harap ng altar para maikasal sa kanyang “man of her dreams”.

Photo credits: Carla Abellana | IG

Maliban naman sa mga larawang masisilayan sa social media ng celebrity couple, ay inabangan rin ng marami ang kanilang wedding same-day edit video. Isinapubliko na rin ang wedding video nina Carla at Tom na binigyang katuparan ng mahusay na videographer na si Bob Nicolas na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Makikita sa mahigit 9 na minutong video ang puno ng emosyon at pagmamahalang pag-iisang dibdib nina Carla at Tom.

Photo credits: Carla Abellana | IG

Hindi naman pinalampas ni Carla ang pagkakataon na surpresahin si Tom sa kanilang espesyal na araw, na kung saan nga ay nagpaiyak sa aktor. Isa na rito ang paglalagay sa mesa ng dating ginagamit na cowboy hat ng yumaong ama ni Tom na si William Albert “Bill” Mott Sr. na pumanaw noong 2017. May inihanda ring recorded video si Carla para sa kanilang wedding dance na kung saan ay mismong ama ni Tom ang kumankanta dahilan para mas lalong mapaiyak ang aktor.

Photo credits: Carla Abellana | IG

Isa naman sa talagang sentro ng kanilang intimate wedding ceremony ay ang pagpapalitan nila ng kanilang nakakaantig ma wedding vows na nagpaiyak sa kanilang mga bisita. At hindi naman maikakaila na talagang nag-uumapaw ang pag-ibig sa isa’t isa nina Carla at Tom.

Photo credits: Carla Abellana | IG

Sa bawat katagang nagmumula sa bibig ni Tom ay talagang mababakas ang kanyang labis na pagmamahal para kay Carla. Inilarawan pa nga ng aktor bilang isang anghel sa ibabaw ng lupa ang kanyang asawa na ngayong si Carla.

“So here we are in front of our loved ones. And truth be told, I need all of them here because I need to know none of this is a dream.”

“That this angel standing before me is really mine and somehow she loves me deeply and completely. Heaven must have never been the same the day you came down and graced my life.”

Photo credits: Carla Abellana | IG

Samantalang sa mga pahayag naman ni Carla, ay sinabi ng aktres na ang matagal na niyang ipinagdarasal na ipagkaloob sa kanyang isang mabuti at mapagmahal na taong makakasama sa buhay ay hindi niya inaasahang nasa paligid lang pala niya.

“Over eight years ago, I prayed for you, but the thing is back then I didn’t even know it was you I was praying for. I even completed Simbang Gabi, praying that I would finally meet the man who will love me unconditionally and take very, very good care of me.”

“While I completed that Simbang Gabi I seriously never thought that the man I prayed for was already so close to me. That we had already crossed paths months prior.”

Ang relasyon nina Carla at Tom ay nagsimula noong taong 2014 at na-engaged naman noong nakaraang taon buwan ng Oktubre.

error: Content is protected !!