Panoorin Ang Trending Video ni Raffy Tulfo Habang Sumasayaw ng “Tala” Ni Sarah G

Patok na patok talaga ang dance challenge ngayon na maging ang sikat na idol ng bayan sa pamamahayag sa programang “Wanted sa Radyo”, isang 59 taong gulang na si Raffy Tulfo ay kumasa sa challenge na ito sa saliw ng musikang Tala na pinasikat ni Sarah Geronimo at naging kasabayan niya sa pag-indak ang kanyang mga staff sa loob ng kanilang studio.

Screenshot: Raffy Tulfo in Action Youtube

Ibinahagi ni Idol Raffy Tulfo sa kanyang Youtube Channel ang isang video na may nilalamang limang minuto kung saan nagkaroon sila ng kulitan moments ng kanyang mga staff.



Sa unang bahagi ng video, makikita ang isa sa mga kwelang staff ng Wanted sa Radyo na si Carol kung saan ay ginagaya niya ang galaw at kilos ng kanyang boss na si Raffy. Naikwento rin nito ang ilang pangyayari nang minsang pumunta si Idol Raffy sa isang club kasama ang staff upang uminom. Napuno ng tawanan ang studio dahil sa mga nakakaaliw na kwento at pagsasalaysay ni Carol sa mga pangyayari.

Screenshot: Raffy Tulfo in Action Youtube

Kinuha ni Idol Raffy ang pagkakataong ito upang ipakilala ang kanyang mga bagong staff kagaya ni Donna na isang mahiyain na tinatawag niyang “Blondie” at si Loyda na isang konserbatibo naman. Ang pagpapakilala niya sa mga ito ay nauwi sa isang dance challenge na kinagigiliwan ng lahat, ito ay walang iba kundi ang “Tala”.

Screenshot: Raffy Tulfo in Action Youtube

Pagkatapos sumayaw ng dalawa ng sikat na Tala dance challenge ay inanyayahan naman nila si Idol Raffy na sumali sa kanila upang sumayaw na malugod namang pinaunlakan ni Idol Raffy. Sinabi ng mamamayahag na turuan siya ng steps kung paano sayawin ang tala.

Screenshot: Raffy Tulfo in Action Youtube

Matiyaga naman niya itong sinunod at ginawa ang lahat ng makakaya upang agad matutunan ang sayaw. Ngunit, unang bahagi lang ng dance challenge ang nagawa niyang sayawin.
Panoorin ang video ni idol Raffy sa ibaba:

Ang nagtrending na video ay mayroon ng mahigit 1.7 million views. Na talaga namang kinagiliwan at hinangaan ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta.

Noong nakaraang January 5 lamang nang pangunahan ni Popstar Princess, Sarah Geronimo ang Tala Dance festival o ang ‘Grand Tala Day’ sa programang “ASAP Natin ‘To” na napapanood tuwing Linggo ng hapon at matagal namamayagpag sa telebisyon.



Marami sa ating mga kababayan ang lumahok sa dance craze na ito na nagmula sa Luzon, Visayas at Mindanao. Maging ang mga sikat na artista ay kinagiliwan ring sayawin ang tala dance cover na talaga nga namang trending sa social media.

Kabilang na rito ang Millennial Dance Royalty na si Ella Cruz, na sumayaw kasama ang ilang artista na may angking talento rin sa pagsayaw na sina Loisa Andalio, Sue Ramirez, at Vivoree Esclito. Maging ang dating SexBomb Dancer na si Izzy Trazona ay lumahok din sa naturang dance craze festival.