Connect with us

Entertainment

‘Pangarap niya talaga ito’: Chito Miranda, Proud na Ibinahagi ang Nabiling Bukid ng Kanyang Wais na Misis na si Neri Naig-Miranda

Muli na namang ipinagmalaki ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ang kanyang wais na misis na si Neri Naig Miranda. Ito nga ay matapos makabili ng bagong property na isang bukid si Neri.

Photo credits: Neri Naig | IG

Hindi naman nawala ang pangamba ni Chito nang sabihin sa kanya Neri ang plano nitong bumili ng lupa. Nangangamba kasi si Chito para kay Neri na baka mahirapan ito sa pagbabayad ng property. Ngunit, sa halip nga na panghinaan ng loob ay ipinakita ni Neri na talagang kaya niyang bilhin ang nais niyang property sa pamamagitan ng kanyang sipag, tiya at madiskarteng pamamaraan.

Photo credits: Neri Naig | IG

Sa isang Facebook post, ay ibinahagi ni Chito ang kanyang pangamba sa binabalak ni Neri at pinayuhan pa ang kanyang asawa na pag-isipang mabuti ang plano at gagawin nitong hakbang. Ayon nga kay Chito ay baka naging pabigla-bigla ang desisyon ni Neri kung saan ay baka hindi nito mabayaran at mabaon pa sa utang.

“Naaalala ko pa noong una niyang sinabi sa akin na balak niyang bilin iyong lupa sa likod ng resthouse namin. Initially, I was honestly unsure kung kaya nya bang bayaran ito and I kept on reminding her to really think about it first; aralin n’ya muna ‘yong financial capacity at capability niya at huwag siyang pabigla-bigla kasi ayokong mapasubo siya na tipong magda-down siya tapos ‘di na n’ya mababayaran ‘yong remaining amount. Ayokong ma-stress siya at mas lalong ayaw ko na mabaon siya sa utang.”

Sa kabila ng pangamba, ay pinabilib nga ni Neri si Chito dahil nagawa nang bayaran ni Neri ang lupa at ngayon nga ay pagmamay-ari na nito ang farm. Sinabi raw ni Neri sa kanya na talagang pangarap nitong magkaroon ng farm, kung saan ay gagawin ang lahat ng makakaya para lamang mabili ang property. At ang nais na layunin ni Neri, ay talagang kanyang tutuparin. Matapos nga makita ni Chito ang pagsusumikap at kasipagan ni Neri para mabili ang lupa, ay sinuportahan na niya ang kanyang asawa. At noong nakaraang Oktubre nga ay nasa pakamay na ito ni Neri.

“Again, she showed me how it should be done: dream big, work hard, focus on your goals, and never give up. Last October, nakumpleto ni Neri ‘yong huling bayad sa may-ari and she got her farm. Bilib na bilib talaga ako,” proud na pahayag ni Chito.

Photo credits: Neri Naig | IG

Ngayon nga, ay marami nang naiisip gawin si Neri sa kanyang nabiling property. Nais nga itong taniman ni Neri ng iba’t ibang klase ng gulay. Papatayuan rin ito ng kubo kung saan pwede nilang maging pahingaan o tambayan. Nais rin ni Neri na bumili ng mga manok para makapag-harvest din ng mga itlog.

Hindi naman maitago ni Chito ang kanyang pagkasabik sa mga nais gawin at plano ni Neri. Saad nga ni Chito, anuman ang nais gawin nito sa buhay ay nasa tabi lang siya ng kanyang wais na misis upang ipakita ang kanyang pagsuporta.

error: Content is protected !!