Connect with us

Entertainment

Panganay Na Anak Nina Drew Arellano At Iya Villania Na Si Primo, Ibinunyag Sa Kanyang Daddy Drew Ang Sikreto Nila ng Kanyang Mommy Iya

Nakaka-excite naman talaga ang muling magkaroon ng isang baby o bagong miyembro ng pamilya sa loob ng tahanan. Ngunit, mas ginawang mas nakaka-excite ng mag-inang Iya Villania at Primo ang muling pagbubuntis ni Iya sa baby number four nila ng kanyang asawang si Drew Arellano. Ito nga matapos isikreto ng mag-ina ang pagbubuntis ni Iya kay Drew.

Photo credits to the owner

Nito lamang ika-3 ng Enero 2022, ay ibinahagi ni Iya ang isang vlog na mapapanood sa kanilang YouTube channel na “Life with The Arellanos” na naglalaman kung paano naitago ni Iya ang kanyang pagbubuntis sa tulong ng kanyang panganay na anak na si Primo.

Hindi naman maitago ni Iya ang kanyang pagiging proud mommy, dahil ang kanyang panganay na anak ay mapagkakatiwalaan na pagdating sa pagtatago ng sikreto. At sa loob nga isang linggo ay nagtagumpay ang mag-ina na itago ang kanilang sikreto kay Drew.

Photo credits to the owner

“So how long has been Primo keeping the secret? Siguro it’s probably around almost a week. So, we’ve kept a secret for a week, love.”

Nang tanungin naman ni Iya ang kanyang anak kung may iba pa ba itong pinagsabihan, ay sumagot naman ito ng “No”.

Samantala, naganap naman ng pagbubunyag ng kanilang sikreto kay Drew nang magkaroon sila ng family camping sa Tanay. At ito nga ang pinakahinihintay na araw mag-ina para sabihin na kay Drew ang bagong biyayang dumating sa kanilang pamilya.

Photo credits to the owner

Wala na ngang paligoy-ligoy pa si Primo, at diretsahan na ngang sinabi na:

“Mama has a baby, but it’s only very very tiny! It will grow!”

Nang marinig naman ni Drew ang sinabi ng kanyang anak, ay tila nagulat pa ito. Ngunit, sa huli nga ay masisilayan ang masayang ngiti sa mukha ni Drew, at napatawa pa sila ng sabay ni Iya. Isa namang matamis na halik ang ibinigay ni Drew sa kanyang asawa bilang pagpapakita ng pasasalamat at pagmamahal dito.

Bago naman sila magtungo sa Tanay para sa kanilang family camping, ay inamin ni Iya na nahihirapan na siyang itago kay Drew ng matagal ang kanyang pagbubuntis dahil nakakaramdam na siya ng mga sintomas ng paglilihi.

Photo credits to the owner

Sa huling bahagi ng vlog ay makikitang sinurpresa naman ni Iya ang kanyang ina sa mismong pagdiriwang ng birthday nito. Ang kanyang surpresa ay idinaan ni Iya sa mensaheng nakasulat sa cake kung saan nga nakasaad ang mga salitang,“Happy Birthday Lola. See you in June, Love Baby #4.” Wala ngang pagsidlan ng tuwa ang ina ni Iya, matapos maintindihan ang ibig sabihin ng nakasulat.

Makikita rin sa vlog ang pagpapa-check up ni Iya at hindi niya nga maitago ang kanyang saya nang malaman na may heart beat na ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Inaasahan naman ng mag-asawang Iya at Drew ang pagdating ng kanilang baby number 4 sa June 2022.

error: Content is protected !!