Connect with us

Entertainment

Panganay na Anak nina Doug Kramer At Cheska Kramer Na Si Kendra Umani ng Paghanga Dahil sa Kanyang Taglay na Kagandahan, Dalagang-dalaga Na Ngayon

Ang pamilya Kramer o mas kilala bilang Team Kramer sa industriya ng showbiz ay binubuo ng mag-asawang Doug Kramer at Cheska Kramer at tatlo nilang anak na sina Clair Kendra, Scarlett Louvelle at Gavin Phoenix. Ang kanilang pamilya ay hinahangaan ng marami, lalo na nga’t makikita na puno ng pagmamahal ang kanilang pamilya.

Credits: Kendra Kramer | IG

Hindi naman maikakaila na biniyayaan ang mag-asawang Doug at Cheska ng mabubuti at mapagmahal na mga anak. Bukod nga dito, ay talagang mga magaganda, at gwapo rin ang magkakapatid na Kramer. At kamakailan nga, ay agaw pansin sa social media ang panganay na anak nina Doug at Cheska na si Kendra.

Ito nga ay matapos ibahagi ni Doug sa kanyang social media accout ang isang post patungkol sa mabilis na paglaki ng kanilang anak, na ngayon ay nalalapit nang sumapit ang ika-12 taong kaarawan at dalagang-dalaga na rin.

Credits: Kendra Kramer | IG

Sa larawan ay makikita ang mag-inang Cheska at Kendra kung saan nga ay kapansin-pansin na malapit nang mahigitan mahigitan ni Kendra ng tangkad ang kanyang ina, at ilang panahon na lamoang nga ang hihintayin.

Sa kanyang post, ay ipinahayag rin ni Doug ang mabilis na paglipas ng panahon kung saan nga, ay makikita ang malaking pagbabago kay Kendra na ngayon nga ay napakaprofessional na sa bawat shoots, at walang kahirap hirap kunan ng larawan at video.

Credits: Kendra Kramer | IG

“Baby dalandan is now turning 12 this month! Seems like only yesterday with these throwback shoots. Kendra’s such a professional when doing any form of shoots now. Everything comes so natural and effortless. Easy to say, the camera loves her. Love you kennykins!”

Mas lalo namang hinangaan ng netizens ang mga larawan ni Kendra sa latest post ni Doug kung saan nga ay masisilayan ang taglay nitong ganda na talagang dalagang-dalaga na. Hindi rin maikakaila na marunong na ring magdala ng kanyang damit si Kendra dahilan nga para magmukha siyang dalaga.

Credits: Kendra Kramer | IG

Sa larawang ibinahagi ni Kendra sa kanyang Instagram account, ay makikita sa kanyang suot na OOTD ang kanyang natatanging ganda. Ayon naman kay Kendra, ay mga nasabing damit ay damit ng kanyang Mommy Cheska.

“Outfit of the day yesterday…. Going to the dentist Miss going out so much so mom helped pick some clothes out ( actually these are all my mom’s hahhaha)”

Bumuhos naman ang papuri at paghanga ang kagandahan ni Kendra mula sa kanyang mga tagahanga at ilang celebrities sa showbiz kabilang na rito ang kanyang Ninang na si Iya Villania.

“So beautiful Ken Ken,”komento ni Iya.

Credits: Kendra Kramer | IG

Natuwa naman si Kendra sa komento ng kanyang Ninang Iya, at agad niya itong pinasalamatan.

“iyavillania Thank you ninang Iya.”

Sa mabilis na paglipas na panahon ay pinatunayan nga ni Kendra na hindi na siya ang cute na bata, kundi isa na siyang dalaga ngayon. Komento nga ng ilang netizens, ay maihahalintulad ang ganda ni Kendra sa isang beauty queen.

error: Content is protected !!