Connect with us

Entertainment

Panganay na Anak ni Dimples Romana na si Callie, Pursigido sa Pag-abot ng Kanyang Pangarap na Maging Isang Piloto

Labis ang paghanga ng aktres na si Dimples Romana sa kanyang panganay na anak na si Callie Ahmee. Bukod kasi sa pagiging business minded nito, na kung saan nga ay may sariling negosyo, ay patuloy rin ito sa pag-abot ng kanyang pangarap na maging isang piloto.

Pursigido nga sa pag-abot ng matagal na niyang pinapangarap sa buhay si Callie, at ang childhood dream nga ng panganay na anak ni Dimples at Boyet Ahmee ay maging isang piloto. Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Mayo, ay proud na proud ang mag-asawang Dimples at Boyet sa kanilang panganay na nagtapos nang high school nang may karangalan.

At sa bagong milestone ni Callie, kung saan nga ay papasok na sa kolehiyo ay talagang suportado ng mag-asawa ang kanilang anak na matupad ang pangarap nitong maging isang piloto. Nito lamang ika-25 ng Oktubre, araw ng Lunes ay nagbigay ng update si Dimples sa kanyang mga followers sa kanyang Instagram account, na ang panganay na anak nila ni Boyet na si Callie ay naka-enroll na sa kursong Bachelor of Business Major in Aviation Management program ng Southern Cross University sa Australia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Amanda (@callieahmee)

Ngayon nga, na nasa kolehiyo na si Callie at papasok na sa unang araw nito sa nasabing paaralan, ay hindi naman maiwasan ni Dimples ang maging sentimental.

Ayon nga kay Dimples, ay maagang dumating sa buhay niya ang kanyang anak na si Callie, at inakala pa raw niyang sa pagdating ng kanyang anak, ay hindi niya matutupad ang kanyang mga pangarap sa buhay. Sa kabila nga raw ng mga masasakit na salitang kanyang narinig mula sa ibang tao, ay hindi siya nagpaapekto. Natutunan rin umano niya na kapag tunay kang mahal ng isang tao, anuman ang landas na iyong natatahakin ay irerespeto at susuportahan ka anuman ang iyong naisin.

“I had [Callie] young. Very young in fact that I always felt unworthy of the dreams I thought I had left behind when we decided to have her early. Sabi kasi nila noon, ‘pag nag-asawa at anak na daw ako, TAPOS na ang AKING MGA PANGARAP. I was told many ugly, hurtful things that got to me and made me feel UNWORTHY of anything GOOD. I listened to the voices of people whom I thought cared for me and my dreams —I was wrong. Natutunan ko that if someone truly loves you, they WILL RESPECT your journey and will always cheer you on with your personal choices and the path you want to take on. They will LOVE YOU NO MATTER WHAT. They will BLESS you with their unconditional love and friendship.”

At dahil nga natutunan na raw niya ang kahalagahan sa pagpili ng mga taong makakasama, ngayon nga ay masaya siya sa piling ng kanyang pamilya. Isang pamilya na puno ng pagmamahal at matatag sa kabila ng mga kinakaharap na pagsubok.

“And because I learned the value of choosing the people you surround yourself with, I now, together with [my family], are embraced by a LOVE so FULL and SECURE that no struggle is ever too heavy for us to bear.”

Samantala, sa kanyang mahabang post ay ibinahagi rin ni Dimples na si Callie ang nagturo sa kanya, na minsan ay ayos lang na maghangad ng bagay na ikakasaya ng kanyang sarili. Hindi naman maikakaila na napakapalad ni Callie, na lumaki sa isang masaya at puno ng pagmamahal na pamilya.

Photo credits: callieahmee | IG

“Si Callie ang nagturo sa akin, and even to this day would remind me that, ‘MA, IT’S OKAY TO WANT THINGS FOR YOURSELF, IT’S OKAY TO WANT FOR YOU.’ Callie is blessed to have grown into this wide net of love of family and friendship and that’s the reason why she has always been a lady who believes in acknowledging the opportunities life hands over to her and all the responsibilities that come with it. Masaya kami ni Boyet watching her pursue her lifelong dream of becoming a pilot like her Lolo Boy and take on life’s many adventures.”

Tila hindi naman makapaniwala si Dimples na ang kanyang anak, ay unti-unti nang tinutupad ang pangarap na maging piloto. Ang dati’y 9 na taong gulang lamang, ngayon nga ay dalagang-dalaga na, at pursigidong matupad ang mga pangarap sa buhay.

Photo credits: callieahmee | IG

“Grabe! How time flew by so quickly. Her 9-year-old goofy face [is] still stuck in my head. A fine young woman to become EVERYTHING she DREAMS TO BE and MORE.”

Sa huling bahagi ng kanyang post, ay talagang proud na proud si Dimples sa kanyang anak at tinapos ang mahabang post sa mga katagang,“FUTURE Captain Christiana Amanda Lauren Romana-Ahmee.”

error: Content is protected !!