Connect with us

Entertainment

Panganay Na Anak ng Mag-asawang Dawn Zulueta at Antonio Lagmadeo Jr na si Jacobo, Masayang Nagdiwang ng Kanyang Ika-16 Taong Kaarawan

Masayang ipinagdiwang ng mag-asawang Dawn Zulueta at Antonio Lagmadeo Jr ang ika-16 taong kaarawan ng kanilang panganay na anak na si Jacobo nito lamang ika-19 ng Oktubre.

Hindi naman maikakaila sa tila hindi tumatandang aktres na si Dawn, ang kanyang labis na pagmamahal sa kanyang anak. Kaya naman, isang napaka-sweet na pagbati sa Instagram ang ipinaabot ni Dawn para sa kanyang anak na si Jacobo. Sa pamamagitan ng isang throwback photo kung saan magkasama sila ni Jacobo ay ipinahayag ng aktres ang kanyang mensahe na puno ng pagmamahal ng isang ina.

Hindi rin naiwasan ni Dawn sa kanyang post ang magbalik tanaw, kung saan nga ay napakabilis ng paglipas ng panahon dahil ang batang nakakarga niya noon ngayon nga, ay isa nang ganap na binata.

“I used to carry him like this but it’s the other way around now. He’s too shy, he won’t let me show a current photo of him. So, I’m posting this to remind our son… that whether you have become a teenager or grow to be an old man, you will for ever be our little bundle of joy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dawn Zulueta (@dawnzulueta)

Pinasalamatan rin ni Dawn ang kanyang anak sa pagbibigay nito ng kaligayahan sa kanilang pamilya. Hindi rin nakaligtaan ng aktres na sabihin sa kanyang anak kung gaano niya ito kamahal.

Sa kanyang post ay tinag rin ng aktres si Jacobo at nilakipan pa ng hashtags na iloveyoujacobo at #19october.

“Thank you for bringing a smile to our face every day. Happy 16th birthday, Jacobo; and may God’s mercy & grace be always upon you! I love you to the moon and back.”

Ang aktres na si Dawn Zulueta at asawa nitong si Antonio na dating Representative ng Davao del Norte na mula sa kilala at mayamang pamilya sa Mindanao, ay 23 taon nang masayang nagsasama bilang mag-asawa. Ang kanilang matamis na pagsasama sa loob ng 23 taon, ay biniyayaan ng dalawang anak. Ito nga ay sina Jacobo, 16 taong gulang na ngayon at si Ayisha, na nagdiwang naman ng kanyang ika-12 taong kaarawan noong nakaraang buwan ng Hunyo.

At tulad ng pagbati niya sa kaarawan ni Jacobo ngayon, ay isang mensahe rin na puno ng pagmamahal ang ipinaabot ni Dawn sa birthday celebration ni Ayisha noon.

“We wish you a birthday that is as beautiful, incredible, and unique as you are. Happy 12th birthday, dearest Ayisha. I love you so much.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dawn Zulueta (@dawnzulueta)

Samantala, ang nakakakilig na love story nina Dawn at Antonio ay nagsimula nang pinagtagpo sila ng tadhana noong mga teenagers pa lamang sila. Ngunit, noong 1996 lamang sila nagkamabutihan nang magkita sa birthday celebration ni Antonio. Hindi naman nagtagal ay naging opisyal na silang magkasintahan, hanggang sa ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa ay tuluyang nauwi sa pag-iisang dibdib noong taong 1997 na naganap sa University Club sa New York.

error: Content is protected !!