Connect with us

Entertainment

Panganay Anak Ng Celebrtiy Couple Na Sina Dingdong Dantes At Marian Rivera na Si Zia, Masayang Nagdiwang Ng Kanyang Ika-6 Taong Kaarawan

Ang tinaguriang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, ay walang kupas ang taglay na kagandahan sa edad niya ngayong 37. Hindi naman talaga maikakaila ang natatanging kagandahan ni Marian, idagdag pa rito ang kanyang husay at talento sa pag-arte.

Walang duda na ang kahanga-hangang kagandahan ni Marian, ang nagpatibok sa puso ng kanyang mister na si Dingdong Dantes. At matapos maikasal noong December 30, 2014, ang kanilang matamis na pagmamahalan ngayon nga ay nagbunga ng dalawang anak, sina Zia at Ziggy.

Sa matulin na pagtakbo ng sandali ay hindi namalayan ang mabilis na paglaki ng mga anak ng mag-asawang Dingdong at Marian. Ang panganay na anak ng mag-asawa na si Maria Letizia o mas kilala ng lahat bilang si Zia, kamakailan nga ay masayang nagdiwang ng kanyang kaarawan. Noong ika-23 ng Nobyembre 2015 nang isilang ni Marian ang kanyang panganay at ngayong taon nga ay ipinagdiriwang ni Zia ang kanyang ika-6 na taong kaarawan.

Para nga pasalamatan at ipagdiwang ang panibagong taon na ipinagkaloob sa buhay ni Zia, ay isang simple ngunit masayang pagdiriwang ang naganap sa loob ng kanilang tahanan.

Nito lamang ika-23 ng Nobyembre, araw ng Lunes ay ibinahagi ni Marian sa kanyang Instagram ang masayang kaganapan ng selebrasyon ng birthday ni Zia. Kalakip ang nakangiting larawan ni Zia na kuha sa set up ng kanyang birthday party, ay ipinaabot naman ni Marian ang kanyang nakakaantig ng mensahe ng pagbati para sa kanyang anak.

“Ate Z turns 6! My precious daughter, may you continue to be a loving, sweet and kind girl. You’re such a blessing to everyone around you,”aniya.

Sa nasabing IG post ay may mensahe rin si Marian para sa kanyang mister na si Dingdong na kasalukuyang naka-lock in taping, kung kaya’t hindi nakadalo sa espesyal na araw ni Zia.

“We miss you dada, wish you were here to celebrate with us but thank you for working hard for us. We love you anak!”

Nagbahagi rin si Dingdong ng kanyang sweet na mensahe sa kanyang Instagram bilang pagbati kay Zia. Kalakip nga ang isang video kung saan kumakanta si Zia ng awiting “Can’t Help Falling In Love”, ay punong-puno ng paghanga at pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak ang mensahe ng aktor. Hindi rin maitago ni Dingdong sa kanyang mensahe na namimiss na niya ang kanyang panganak na anak.

“Dear Z, For the last six years, this is the first time that I haven’t had you under my armpits for this long. I can just imagine how your Lolo Jigg felt, when he worked in a cruise ship for one year in HKG when I was around 8 years old. It’s kinda hard for me, but the thought of you being safe and happy there at home with your mom and brother makes me at peace.”

“This last video that we did together definitely makes me miss you more—you were amazing!” he said. Don’t worry, when I get back home, we’ll definitely make more memories with these after-dinner songs, which will come after your regular animated storytelling of how your day had transpired.”

“Happy 6th, Ate Z. When you’re a bit older, I hope you’ll understand why Dada isn’t with you on this special day. For now, I’ll just have to play this over and over till I have you back under my armpits again.Forgive me for posting this, for I can’t help falling in love with you. Love, Dad,”dagdag pa ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Tila nga puno ng saya at pagmamahal ang pamilya Dantes dahil sa kanilang dalawang anak. Bukod kay Zia ay may isa pang anak sina Marian at Dingdong na nagbibigay sa kanilang mag-asawa ng saya. Ito ang kanilang bunso na si Jose Sixto o mas kilala bilang Ziggy, na dalawang taong gulang na ngayon.

error: Content is protected !!