Connect with us

Entertainment

Pamilya Pacquiao Nagbakasyon sa Europe, Unang Pinasyalan ang Germany at Switzerland

Muling nakapagbakasyon si Manny at Jinkee Pacquiao kasama ang kanilang mga anak sa ibang bansa, sa mga bagong ibinahaging larawan at mga video ng asawa ni Senator Manny na si Jinkee Pacquiao, makikita ang kanilang masayang pamamasyal sa ibat-ibang magagandang lugar sa bansang switzerland.

Isa sa pinakakilalang pinuntahan ng pamilya pacquiao kung saan nagpakuha ang magasawa dito ng nakakakilig at napakagandang larawan ay ang lokasyon kung saan nagtaping ang sikat na korean series noong 2019 na Crash Landing on You.

Isa sa mga ibinahaging larawan ni Jinkee ay ang mga sweet pictures nila ni Senator Manny sa interlaken region ng bansang Switzerland kung saan dito sa lugar na ito shinoot ang isa sa mga iconic scene kung saan unang nagkita ang Crash Landing on You lead stars at real life couple na sina Hyun Bin at Son Ye-Jin. Matatandaan na sa lugar na ito unang nagcross ang landas ni Captain Ri at Yoon Se-ri kung saan tumutugtug dito ng Piano si Captain Ri.

Samantala hindi naman nakasama sa kanilang Europ trip ng pamilya ni Senator Manny Pacquiao ang kanilang panganay na anak na si Jimuel dahil kasalukuyan ito ngayon na busy sa kanyang amateur boxing career sa California.

Makapagpigil hininga naman ang ilang pang larawan na ibinahagi ni Jinkee Pacquiao sa kanyang instagram account na ipinakita nito ang ganda ng bansang Switzerland.

Bago naman ang pagbisita ng pamilya Pacquiao na ito sa Switzerland ay matatandaan na nangaling muna sila sa Germany kung saan namasyal din sila dito. Makikita din sa mga instagram post ni Jinkee na kuha sa Germany ang kanilang mga sweet pictures ni Senator Manny na parang mga teenager lang magpakilig.

Balak pa ng pamilya na pumunta pa sa ilan pang mga bansa sa Europe, nagkaroon ng pagkakataon ang pamilya na makapagbonding muli sa ibang bansa matapos ang ilang taon na hindi nakapasyal dahil narin sa pandemya.

Naging busy din si Senator Manny sa kanyang naging pangangampanya at ngayong tapos na ito, nagkaroon narin siya ng pagkakataon na makipag bonding sa kanyang pamilya at malibot ang mga nag-gagandahang lugar sa Europe.

Talagang ineenjoy nila ang bawat sandali na magkakasama sila sa mga nagagandahang lugar na ito sa Europe na talagang deserve nila matapos ang ilang napakastressfull na buwan.

 

error: Content is protected !!