Connect with us

Entertainment

Pamilya ni Vic Sotto at Pauleen Luna, Ibinahagi ang Kanilang First Out of the Country na Kasama ang Anak na si Tali

Ngayong unti-unti nang bumubuti ang sitwasyon ng pandemya sa ibang bansa, pinahihintulutan na ang paglalakbay at pamamasyal ng mga bata kasama ang kanilang mga magulang. Dahil dito, hindi na rin pinalampas ng mga celebrity moms at dads ang pagkakataon upang makapag-bonding at makapagbakasyon muli sa ibang bansa kasama ang kanilang buong pamilya.

Talaga namang nararapat lamang ito dahil dalawang taon na rin ang lumipas mula nang huling makapag-enjoy ang mga bata sa labas. Isa nga sa mga celebrity couples na nakapagbakasyon na sa ibang bansa kasama ang kanilang tsikiting ay sina Vic Sotto at Pauleen Luna.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIC SOTTO (@vicsottoofficial)

Noong nakaraang buwan ng Hunyo nga ay lumipad papunta sa Singapore ang Eat Bulaga host na si Vic Sotto kasama ang kaniyang asawa na si Pauleen Luna at ang kanilang nag-iisang anak na si Tali.

Talagang espesyal ang bakasyong ito para sa pamilya ni Vic dahil ito ang kauna-unahang bakasyon ng kanilang maliit na pamilya sa ibang bansa mula noong magsimula ang pandemya.

At dahil pinili nilang magbakasyon sa Singapore, hindi na nila pinalampas ang pagkakataon na bumisita sa Universal Studios. Inilaan nila ang kanilang oras para talagang malibot ng kanilang anak na si Tali ang theme park na ito.

Isa nga sa binabalik-balikan ni Tali ay ang mga mascot ng kilalang karakter na Minions. Ayon sa Instagram post ni Pauleen, ito ang naging “highlight” ng kanilang bakasyon sa Singapore.

Gulat na gulat rin umano si Tali nang makita niya ang mga ito dahil paboritong-paborito niya ang palabas at karakter na ito. Bakas rin naman ang kasiyahan sa bata nang magkaroon siya ng pagkakataon na makasayaw ang mga ito.

Bukod kay Tali, enjoy na enjoy rin si Vic at Pauleen sa kanilang pamamasyal sa Singapore. Makikitang game na game nga si Vic na samahan ang kaniyang bunsong anak sa mga adventures nito sa theme park.

Inamin ni Pauleen na talagang napagod ang kanilang pamilya dahil sa sunod-sunod na pamamasyal sa loob ng limang araw ngunit masasabi naman nilang sulit ang kanilang pagod dahil nag-enjoy silang mag-asawa at lalong-lalo na si Tali.

Ayon nga kay Pauleen, masayang-masaya umano si Vic dahil kitang-kita rin ang kasiyahan ng kaniyang anak.

error: Content is protected !!