Connect with us

Inspiring

Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Bilyonaryong Kaibigan nitong si Jack Ma Magdodonate ng 50,000 CoVid-19 Test Kit dito sa Pinas

Published

on

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng magkakaroon ng CoVid-19 sa ating bansa nagdesisyon ang ating gobyerno na itaas na sa Enhanced Community Quarantine hindi lamang ang Metro Manila kung hindi maging ang buong Luzon. Layunin nito na mapigilan ang pagtaas pa ng bilang ng mga kababayan natin na maaringmaapektuhan ng kumakalat na maramdaman.

At dahil malaking bagay ang magiging kooperasyon ng bawat isa mula sa mga lokal na namumuno hanggang sa mga ordinaryong residente muling namayani ang diwa ng kabayanihan sa ating bansa. Mula sa pamamahagi ng mga relief goods, mga mask, alcohol hanggang sa mga libreng sakay para sa ating mga frontliners.




Samantala, bilang tulong sa kasalukuyang sitwasyon sa ating bansa nangakong magdonate ang ating Pambansang Kamao na si Senador Manny Pacquiao ng mga kinakailangang CoVid-19 test kit.

Photocredits: MannyPacquiao | Instagram

At sa tulong ng kaibigang bilyonaryong si Jack Ma at ng kanyang foundation ay magbibigay sila ng 50,000 test kit na magagamit para sa kaagarang pagtukoy sa mga hinihinilang positibo sa nasabing karamdaman.




Photocredits: MannyPacquiao | Instagram

Sa Instagram ng fighting-senator mula sa Saranggani ay ibinahagi niya ang plano nila ng kaibigang bilyonaryong at binigyang diin niya na sa kasalukuyang pangyayari ay napakahalaga ng pagtutulungan ng bawat isa,

“We’re excited to announce the Jack Ma Foundation, in partnership with @PacquiaoFoundation is pledging 50,000 test kits to combat COVID-19 in the Philippine. With everything that’s happening around the world today, there is no better time to unite and do whatever we can to help each other.
Thank you @JackMaFoundation for this generous donation”, caption pa dito ng 41 taong gulang na senador.

Photocredits: MannyPacquiao | Instagram

Photocredits: MannyPacquiao | Instagram




Ilang mga netizen ang nagpaabot ng papuri sa ginawa nila People’s Champ Manny Pacquiao at Jack Ma,

“kier.dc Good news indeed.? God is awesome. Thank you Sen. Manny and Jack Ma ?”,
“taniasshi God bless the People’s CHAMP!??❤️”,
“liezasy_888 ??? God will reward you in heaven.praise God for people like you.”,
“donzkie_7819 ???? Thank u sir Manny! @jackmafoundation God’s bless poh. Maraming taong kaung matutulungan ❤️❤️??”,
“hazeldinso God is great Senator Manny
Thank you so much Senator Sir and Sir Jack Ma. ?❤️?”.

error: Content is protected !!