Pamangkin ni Rico Yan Agaw Pansin sa Social Media Dahil sa Pagkakahiwig nito sa Yumaong Aktor

Si Rico Yan o Ricardo Carlos Castro Yan sa totoong buhay ay ipinanganak noong March 14, 1975 at isa siya sa mga kilalang aktor ng kanyang henerasyon. Ang tambalang Rico Yan at Claudine Barretto ay isa din sa mga sumikat na tambalan noon at hanggang ngayon ay naaalala pa din sila ng mga netizens lalo na ng kanilang mga tagahanga.



Hanggang ngayon ay madami pa din ang hindi makapaniwala at nalulungkot pa din hanggang ngayon sa pagkamatay ng matinee idol na si Rico Yan. Humigit isang dekada na din ang nakalipas ng siya ay mamatay pero ang kanyang mga alaala ay nananatili sa mga puso ng mga taong nagmamahal sa kanya lalong lalo na ang RYCB o Rico Yan Claudine Barretto fans.

Kamakailang lang ay muling sumaya ang mga RYCB fans ng may magbahagi ng larawan ng pamangkin ni Rico Yan sa kanilang facebook group. Ang nasabing pamangkin ay anak ng kapatid ni Rico Yan na si Geraldine na tila nabuhay ang aktor sa kataohan nito dahil sa magkamukhang magkamukha silang dalawa. Bukod kasi sa kamukhang kamukha nito ang kanyang namayapang tito ay nakuha din nito ang nakakakilig at matamis na ngiti ni Rico Yan maliban lang sa dimples nito.



Madami namang netizens at fans ang natuwa sa larawan ng pamangkin ni RIco Yan dahil para na din daw nilang nakitang buhay ang kanilang idol.

Ngunit may ilan ding mga netizens ang nalungkot dahil sa namimiss na nila ang kanilang idol at nagbabaka sakali sila na maging artista din ang pamangkin ni Rico Yan.

Kung matatandaan nyo, Marso 29 ng taong 2002 ilang araw bago matapos ang kaarawan ni Rico Yan ay biglang nagulat at nalungkot ang industriya ng show business ng mabalitang binawian ng buhay ang aktor sa Puerto Princessa. Ayon sa mga kaibigan na kasama ni Rico Yan ng mga panahong iyon, Marso 28 ay ipinaghanda sila ng aktor ng pagkaen na hindi niya naman madalas ginagawa.



Alos dos (2:00) na ng madaling araw ng Marso 29 silang lahat nakatulog kasama si Rico Yan at mga bandang ala sais (6:00) ng umaga ay narinig nilang umuungol ang aktor pero walang gumigising dito dahil iniisip nila ay naghihilik lang ito.

Sa kasamaang palad, ito na pala ang huling sandali na makikita nilang humihinga pa si Rico Yan dahil ng mga 9 ng umaga ng pinipilit nila itong gisingin ay wala na pala itong buhay. Binawian ng buhay si Rico Yan sa edad na 27 at dahil ito sa acute hemorrhagic pancreatitis na marahil dahilan ng pagungol nya bago siya pumanaw.

Sadyang nakakalungkot ang mga ganitong pangyayari dahil hindi mo naman inaasahan na kahapon lang o kanina lang ay kasama mo siya buhay na buhay pero makalipas ang ilang oras ay mamamatay na pala siya. Kaya dapat nating pahalagahan ang ating buhay dahil hindi natin alam kung kelan ito babawiin sa atin ng ating Panginoon na naglikha sa atin.