Connect with us

Lifestyle

Pagiging Simpleng Tao Ng Singer Na Si Angeline Quinto, Hinangaan sa Social Media

Si Angeline Quinto ay sikat na singer sa bansa na talagang hinahangaan ng marami dahil sa kanyang husay at talento sa pag-awit. Ang mataas na tono ng boses at magandang tinig ni Angge ang nagdala sa kanya sa tagumpay na talaga nga namang kahanga-hanga.

Ngunit bago pa man niya marating ang rurok ng tagumpay ay nagsimula siya sa isang simpleng pamumuhay dahil nagmula ang singer sa mahirap na pamilya. Lumaki sa hirap si Angge kaya naman sanay na sanay siyang pamuhay ng simple at walang anumang arte. Kaya naman hindi siya nag-atubiling kumasa sa challenge na pinasimulan ng isang chinese vlogger na si Li Ziqui.




Hindi nga nagpahuli sa challenge si Angeline na kung saan ay nagbigay sa kanya ng pagkakataon upang magtrending. Ang challenge na pinamagatang “Bahay Kubo Challenge”, ay isang challenge kung saan ay maninirahan at mamumuhay siya sa isang kubo.

Dahil nga lumaki at sanay na sa hirap ang singer, naging madali na lamang sa kanya ang nasabing challenge at talagang makikita na nag-enjoy siya sa kanyang bawat ginagawa habang masayang namumuhay sa kubo.

Masaya niyang narasanang sumakay sa motor habang naglilibot sa mga nais puntahang lugar sa nasabing challenge.




Pinatunayan rin ni Angeline ang kanyang kakayahan sa pamamalengke at pagluluto sa kawa gamit ang kahoy. Nag-igib rin siya ng tubig sa pamamagitan ng pagbomba sa poso. Enjoy na enjoy rin ang singer habang kumakain sa ilalim ng puno kasalo ang kanyang mga kasamahan.

Talagang walang kaarte-arte si Angge habang kumakain ng naka-kamay at masarap na sumusubo ng pagkain. Hindi rin naging maselan ang singer nang siya ay matulog ng walang malambot na kutson. At ang kaabang-abang sa challenge na pagpapakain ng alagang baboy ay walang kahirap-hirap na nagawa ni Angge.

Tunay nga na kapag laki sa hirap, ay talagang mababakas ang pagpapahalaga sa masayang karanasaan na kinaharap noon kahit pa nasa rurok na ng tagumpay ngayon.




Si Angeline ay isang kahanga-hangang tao sapagkat marunong siyang lumingon sa pamumuhay na kanyang pinagmulan bago pa man niya marating ang nararanasan niyang tagumpay ngayon. Kaya naman hindi maikakaila ang pagiging simple at mabuting tao ni Angge na mas lalong hinahangaan ng nakararami at ng kanyang mga tagahanga.

error: Content is protected !!