Pag-iibigan na Nagsimula sa Wave Emoji, Nauwi sa Kasalan, Mga Netizens Kinilig sa Kanilang Love Story

Tunay nga na kapag ang tadhana na ang nagdikta, tiyak na wala ng magiging hadlang pa sa dalawang pusong nagmamahalan. Kahit pa ilang bundok at dagat pa ang nakapagitan ay tiyak naman na darating ang araw na ang dalawang puso ay magtatagpo. Dahil ang isang tunay at wagas na pag-ibig anuman ang pagsubok na dumating sa dalawang pusong nagmamahalan, ay kanila itong malalampasan at sila na nga ang pinagtagpo ng tadhana. Tunay nga na pagdating sa pag-ibig ay hahamakin ang lahat makasama lamang ang taong iniibig.

Ganito nga ang love story nina Kate Garcia-Axalan at Gian Arlo Axalan na hinangaan ng mga netizens dahil sa kanilang maganda at nakakakilig na kwento.

Nagsimula ang pag-iibigan nina Kate at Gian sa isang simple wave emoji sa chat sa messenger noong December 6, 2017 at hindi nga nagtagal ang kanilang pagmamahal ay nauwi sa pag-iisang dibdib noong December 6, 2019.



Ayon kay Kate, una raw nagchat si Gian ng wave emoji sa kanya, at sa facebook messenger na nga nagsimula ang pag-uusap nilang dalawa. Dagdag pa ni Kate, hindi raw talaga sila magkakilala, lalo na sa personal. Ngunit, tila may nagdikta sa kanila na maging malapit sa isa’t isa. Doon na nga nagsimula ang kanilang madalas na pag-uusap hanggang sa dumating na nga ang punto na may nararamdaman na sila sa isa’t isa.

Ang pagsisimula sa isang chat at napunta naman sa pagiging long distance ralationship (LDR) dahil si Gian ay sa Italy samantalang si Kate naman ay nasa Pilipinas.

Ngunit, ang layo ng distansya ay hindi naging hadlang sa kanila upang iparamdam ang pagmamahal sa bawat-isa. Hanggang noong May 2018 nga, wala nang nakapigil pa kay Gian upang umuwi ng Pilipinas at makasama si Kate. Bagama’t, maikling panahon lamang silang nagkasama ay tila naman matagal na panahon na ang naranasan nila, dahil sa loob ng maikling panahon ay marami na ang mga pangyayaring naganap.



Dahil nga sa tunay at wagas ang kanilang pagmamahalan, ang bawat pagsubok na dumaan sa kanilang relasyon ay kanilang nalampasan. At noong June 22, 2018 nga, mas lalo pang pinatunayan ni Gian ang pagmamahal niya kay Kate nang alokin niya ito ng kasal.

Matapos mag-proposed ni Gian kay Kate ay muli itong bumalik ng Italy kung saan nagsimula na naman ang pagiging LDR nila na umabot ng 17 months.

Sa kabila ng pagiging LDR ay nananatili ang pagmamahal nila sa isa’t isa kung saan ay pinanghawakan nila ang kanilang pagmamahalan at mas lalo pang pinagtibay ang kanilang tiwala sa isa’t isa, kung kaya’t nalampasan nila ang mga pagsubok na sumubok sa kanilang pagmamahalan.

At noong November 7, 2019 nga ay umuwi ng Pilipinas si Gian upang pagplanuhan ang kanilang pagpapakasal. Wala na ngang nakapigil pa sa kanilang pag-iisang dibdib, dahil noong December 6, 2019 ay naisakatuparan na ito. Ito rin ang petsa kung kailan nagsimula ang kanilang chat sa messenger sa isang wave emoji.

Talaga nga namang kahanga-hanga ang pag-iibigan nina Gian at Kate na kung saan ay kanilang pinatunayan na ang pagkakaroon ng long distance relationship ay hindi hadlang sa dalawang pusong nagmamahalan. Na hindi dapat ito maging rason ng paghihiwalay, bagkus sa ganitong uri ng relasyon ay dapat na pairalin ang pang-unawa, mahabang pasensya, pagtitiwala at higit sa lahat ay panghawakan ang pagmamahal na ipinangako sa isa’t isa.