Connect with us

Entertainment

‘P800 ang Talent Fee’ Khaye Abad, Ibinahagi ang Karanasan Noong Nagsisimula palang siya sa kanyang Career sa Showbiz, Nagbigay din ng Payo sa mga Gustong Pumasok sa Showbiz

Ang mga sikat na artista sa industriya ng showbiz ay masasabi na talagang nagsumikap at ibinigay ang abot ng kanilang makakaya upang ipamalas ang kanilang natatanging talento. At bago pa man nga marating ang rurok ng tagumpay ay magsisimula muna sa maliit na sahod.

Katulad na lamang nga ng aktres na si Kaye Abad na magsimula lamang ang talent fee noon sa halagang P800 sa Kapamilya comedy show na “Ang TV” na mapapanood tuwing Sabado.

Sa isang panayam kay Kaye ng kanyang kaibigan na si Paolo Contis sa online show nitong “Just In”, ay nagkwento siya tungkol sa maliit niyang talent fee noon at kung paano niya itong napapagkasya.

Ayon kay Kaye, ay sa halagang P800 na talent fee noon, ay dito na niya kinukuha ang pang bayad sa gas ng kanilang sa sasakyan. At maging ang mga outfit na kanyang isinusuot sa taping ng “Ang TV”ay dito na rin niya kinukuha.

Photo credits: google.com

Dahil nga dito, ay inamin ni Kaye na hindi siya nakakaipon sa kinikita niya sa pag-aartista noong kabataan niya. At ang perang kinikita nga ay nagagastos lamang niya sa tuwing pumupunta sa siya ng taping.

Photo credits: google.com

Sa kabila naman nito, ay ibinahagi naman ni Kaye na masaya siya sa kanyang karanasan at wala siyang pinagsisihan sa pagpasok niya sa showbiz kahit bata pa siya noon.

“Walang pagsisisi. Kasi I started not so young, not like you. I started 13 already, so wala ako masyadong na-miss.”

“Nakapaglaro pa rin naman ako with my friends sa village, yung mga ligo-ligo sa ulan, nagawa ko yon. No regrets at all”.

Photo credits: google.com

Masaya rin si Kaye dahil ang kanyang karera ay maganda umano ang estado noon. Kaya naman, hindi rin siya masyadong nag-alala sa takbo ng kanyang karera.

“Pati yung career path ko noon gradual lang. Hindi yung super sikat, pero hindi rin naman yung walang trabaho. So, swabe siyang tumakbo. Hindi katulad nu’ng iba na nag-start pa lang sikat agad tapos bumagsak, nag-struggle. Wala akong regret sa tinakbo ng career ko at sa showbiz.”

Photo credits: google.com

Ngunit, pag-amin ni Kaye ay minsan raw ay dumarating ang mga pagkakataon na nagdadalawang isip na rin siyang mag-artista.

“Dati kasi ayoko talaga mag-artista dahil do’n sa oras ng trabaho. Pero ngayon, siyempre nagbago naman na. Kasi aminin na natin ang show business nakakabaliw siya… mahirap,” pahayag pa ni Kaye.

Photo credits: Khaye Abad | IG

Samantala, nagbigay naman ng payo si Kaye sa mga nais na pasukin ang magulong mundo ng showbiz. Ayon nga sa aktres, ay hindi basehan ang kasikatan kung nais lang mag-artitsa, dahil ang isang tunay na artista ay mahal ang trabaho at pag-arte lalo na nga’t hindi ito madaling gawin.

Photo credits: Khaye Abad | IG

“Lagi kong sinasabi sa mga gustong mag-artista, it’s not all about fame. It’s not all about earning money.”

Photo credits: Khaye Abad | IG

“Kasi pag nagtatanong ako, ‘Bakit mo gusto mag-artista?’ ‘Kasi gusto ko pong makatulong sa pamilya ko.’“Hindi lang yon ganu’n, di ba? Laging ganu’n, eh. Sabi ko talaga, kung hindi mo gustong umarte, wala kang patience, you will not survive.“Hindi ka magtatagal kasi mahirap mag-artista. Kasi akala nila masarap yung fame. Akala nila yung pag-arte madali lang. Hindi siya madali. “Kung gusto niyong mag-artista, make sure you love to act. You study. Pag-aralan mo yung pag-arte. Hindi madali yung ginagawa namin.”

Photo credits: Khaye Abad | IG

Pahabol pa ng aktres, kung nais lang ay makatulong sa pamilya at guminhawa ang buhay, ay hindi para sayo ang mundo ng showbiz bilang maging isang artista.

“Kung gusto niyong makatulong sa pamilya n’yo, magtrabaho kayo. May ibang ways. Kasi feeling ng mga tao easy money ang showbiz, eh”

error: Content is protected !!