Connect with us

Entertainment

‘Old but Gold’ Sila ang mga Living Legend na Artista na Hanggang Ngayon ay Nananatiling Buhay at Wala pa din Kupas ang Kagandahan at Galing sa Pag Arte

Bago pa man dumating ang mga sikat at hinahangaang mga artista sa showbiz ngayon, ay nauna nang hinangaan ng publiko ang talento at husay sa pag-arte ng mga itinuturing na batikan sa larangan. Sila nga ang mga artista na sumikat noong dekada 50 hanggang 70. Hindi naman maikakaila na maliban sa kanilang angking husay ay hahangaan rin ang kanilang mukha na taglay ang natural na kagandahan.

Sa isang nag-viral na Facebook post, ay makikita ang before and after photo ng mga sikat na artista noon, na nananatili pang buhay sa kasalukuyan. Sa pinagkumparang larawan noong kabataan nila, at ngayong matanda na ay masisilayan kung gaano kaganda at kagwapo ang mga artistang ito.

1. Gloria Sevilla

Ang batikang aktres na si Gloria Sevilla ay malaki ang naiambag sa entertainment industry dahil magmula dekada 50 hanggang 70, ay ipinamalas niya ang kanyang husay sa pag-arte sa mga pelikula at teleserye. Dahil nga sa kontribusyon sa Visayan-made movies sa Pilipinas ay kilala siya sa bansag na “Queen of Visayan Movies”. Si Gloria ay isinilang noong January 31, 1932.

Photo credits: google.com

2. Robert Arevalo

Ang aktor na isinilang noong May 6, 1938 at ngayon ay 83 taong gulang na si Robert Arevalo, ay nagkamit ng parangal dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Siya ay naparangalan bilang FAMAS Best Actor sa pelikulang “Ang Daigdig ng mga Api” noong 1966. Napangasawa naman niya si Barbara Perez, na isa ring sikat na aktres noong kapanahunan nila.

Photo credits: google.com

3. Luz Valdez

Si Milagros Bernardo sa tunay na buhay at nakilala ng lahat sa showbiz bilang si Luz Valdez-Paje ay isinilang noong September 9, 1940, ay isang sikat na artista sa bansa. Ang una niyang naging pelikula ay ” Ay Pepita” noong 1958.

Photo credits: google.com

4. Perla Bautista

Marami ang pinabilib ng batikang aktres na si Perla Bautista matapos magawa ng halos 250 pirasong mga pelikula at television shows. Dahil sa kanyang husay sa pag-arte ay nagwagi siyang FAMAS Best Actress sa pelikulang Markang Rehas noonh 1962. February 18, 1940 nang siya’y isilang.

Photo credits: google.com

5. Caridad Sanchez

August 1, 1933 nang ipanganak si Caridad Sanchez. Nagsimula ang kanyang kasikatan at nakilala ng publiko noong 1977 matapos gumanap bilang Nanay Idad sa TV drama series na hango sa radio soap opera na unang narinig sa DZRH noong 1949 sa Gulong ng Palad bilang ina ni Luisa. At madalas naman siyang mapanood sa GMA.

Photo credits: google.com

6. Pelita Corrales

Hanggang sa kasalukuyan ay tinatamasa ng aktres at singer na si Pelita Corrales ang kasikatan. Kilala siya ng lahat bilang “Asia”s Queen of Songs”. At kilala rin sa kanyang rendition ng “Kapantay ay Langit” kung saan ay kanyang naging signature song. Ipinanganak siya noong August 22, 1939.

Photo credits: google.com

7. Celia Rodriguez

Sa kanyang husay bilang kontrabida ay marami ang humahanga. Napanood siya sa halos 130 pelikula at television shows. Ilang ulit rin siyang naparangalan dahil sa kanyang husay. Apat na beses siyang nagwagi ng FAMAS Awards ilan sa mga pelikulang kanyang ginawa ay “Kulay Dugo ang Gabi, The Passionate Strangers, Lilet and Magnifico”. 82 years old na ngayon si Celia na isinilang noong June 21, 1938.

Photo credits: google.com

8. Susan Roces

Hahangaan naman ang taglay na kagandahan ni Susan Roces. Siya ay kilala bilang “Queen of Philippine Movies” noong 1960s at 1970s. Isinilang noong July 1941 na ngayon ay 79 years old na.

Photo credits: google.com

9. Gloria Romero

Hindi naman kumupas ang angking kagandahan ni Gloria Romero. Halos pitong dekada na ang lumipas, ay nananatili parin siya sa showbiz. Sa kanyang husay sa pag-arte,ay marami siyang parangal na natanggap.

Photo credits: google.com

At ang winning performances ay nakita sa mga pelikulang Tanging Yaman bilang FAMAS Best Actress 2001), Nagbabagang Luha (FAMAS Best Supporting Actress 1989) at 1955’s Dalagang Ilocana. December 16, 1932 nang siya’y isilang at ngayon ay 87 taong gulang na.

error: Content is protected !!