Connect with us

Lifestyle

Ogie Diaz Isinalaysay Ang Pinagdaanang Hirap Ng Alagang SI Liza Soberano Noong Nagsisimula Pa Lang Ito Sa Showbiz

Published

on

Hindi lahat ng may mga magandang mukha ay nabibigyan ng pagkakataon na makatungtong at masilayan sa harap ng kamera. Sa katunayan marami ang nagnanais na makabahagi sa kinang nito ngunit hindi sapat ang pagnanais na taglay lang.

Sa kabilang banda naging mapalad si “Hope Elizabeth Soberano” mas kilala natin bilang isa sa sikat na loving duo na ‘LizQuen ng makilala niya ang komedyanteng si Ogie Diaz na di kalaunan ay kanyang naging personal na talent manager.



Masasabing ang komedyanteng aktor ang nagsilbing anghel ni Liza sa bagong mundong kinagagalawan noong siya ay magsimula sa likod ng pinilakang tabing.

Sa mga hindi nakakaalam bago pa narating ng Kapamilya Actress ang kasalukuyang tinatamasang kasikatan at karangyaan nagsimula talaga sa masasabing walang-wala si Liza. Sa katunayan nagawa niyang manghiram para lang matustusan ang mga pangangailangan niya noong siya ay pasimula pa lamang sa showbiz.

Sa katunayan bago pa niya nakilala ang manager na si Ogie Diaz ay nagsimula si Liza bilang isang talent sa isang print ad at dahil sa angking ganda ay natuklasan siya ng isang talent scout at di kalaunan ay nakilala na niya ang kasalukuyang manager.

Ibinahagi naman ng 49 taong gulang na komedyante sa kanyang facebook post ang naging karanasan ng kanyang alagang si Liza noong ito ay hindi pa sumisikat ng husto.

Sinabi ni Ogie sa kanyang post na dahil sa angking ganda at dahil sa kutis na parang foreigner ay napagkakamalan itong mayaman at mula sa kilalang pamilya pero kabaligtaran talaga, “Akala kasi nung iba, dahil sa ganda at kinis ng kutis ni Liza ay galing siya sa mayamang pamilya. Pero hindi po. Walang-wala ang bagets noon nang makilala ko” paglilinaw pa ni Ogie.



Ayon pa sa dating “Palibhasa Lalake” cast umabot sa puntong nakapangutang ng malaking pera sa kanya ang alagang si Liza noong magsimula pa lang ito sa kanyang career,

“Halos umabot ng 500k, pero alalang-alala na ang mag-ama kung paanong mababayaran dahil nag-start pa lang ang kanyang career” pagbabahagi pa ni Ogie.

Sa kabilang banda buo naman ang tiwala ng dating “Showbiz Inside Report” host sa “Dolce Amore” actress dahil alam niya ang hangarin nito na matulungan ang pamilya kung kaya sinabi niya kay Liza na maari niyang ibalik ito kapag may pambayad na siya.



Samantala dahil na rin sa pagtitiyaga hindi naging mailap sa 21 taong gulang na aktres ang inaasam na break sa kaniyang career at ayon pa kay Ogie binayaran kaagad ni Liza ang mga inutang niya sa kanyang manager,

“Tito Ogie, mababayaran na po namin lahat ang utang namin sa inyo. Ayoko po kasi nang may utang pa. Thank you po, ha?” pagbabahagi pa ng Sandugo cast.

Sa ngayon masasabing lahat ng paghihirap niya ay nagbunga na ng tagumpay dahil sa magandang hangarin. At ayon pa kay Ogie baka siya na ang manghiram sa kanyang alagang si Liza,

“Baligtad na ngayon. Ako na ang mangungutang sayo nak”

pabirong sabi pa ng komedyanteng host.
Tunay na masasabing naging pagpapala na makilala nila Ogie at Liza ang isat isa

error: Content is protected !!