Connect with us

Entertainment

Ogie Diaz, Hindi Maipaliwanag ang Naging Reaksyon ng Sabihin ng Kanyang Anak na si Erin na Magkaka Apo na Siya

Isa nga sa mga pinagbabalingan ng pagkabagot ngayon ng mga netizens habang sumasailam sa enhanced community quarantine ang vlog at panonood ng mga nakakatuwang videos sa social media.

Patok na patok ngayon sa mga vlogs at social media ang “prank challenge”. Sa nasabing challenge, kadalasang ginagawa ang mga seryosong bagay upang mapaniwala ang biktima sa nangyayari. Ang kinatutuwaan sa challenge na ito ay ang magiging reaksyon ng biktima sa pangyayaring nagaganap.




At kapag nakitang epektibo ang ginawang prank challenge kung saan ay kakagat sa pain at mapapaniwala ang biktima, ito na ang tamang oras upang sabihin sa biktima na prank lamang ang lahat o “it’s a prank”. Giliw na giliw ang mga netizens sa prank challenge na ito, sa katunayan, parami na ng parami ang sumasabak sa challenge upang makapaghatid ng kasiyahan.

Isa nga sa mga kumasa sa challenge na ito ang anak ni Ogie Diaz na si Erin. Marami ang nasiyahan sa reaksyon ni Ogie sa ginawang prank sa kanya ng anak na si Erin. Ang prank challenge na ginawa ni Erin ay patungkol sa pagsabi niya sa kanyang ama na magiging ganap na lolo na ito dahil magkakaroon na ito ng apo.

Ngunit, ang tinutukoy na apo pala ay hindi tao kundi isang alagang aso, dahil malapit sa mga hayop ang kanilang pamilya.

Ang prank na ginawa sa ama ay pinaghandaang mabuti ni Erin. Sa katunayan, bago pa man niya gawin ang prank ay dumaan muna siya sa mall upang mamili ng mga gamit na kinakailangan para sa aso. Pumunta rin siya sa veterinary clinic upang ipacheck up ang bagong biling aso.




Matapos makapamili at handa na siyang isagawa ang prank, agad niyang hinanap ang kanyang amang si Ogie dahil hindi rin siya nakapagpaalam na aalis.

Nang sumapit sa kanilang tahanan, agad namang ipinamalas ni Erin ang kanyang acting skills upang mapaniwala ang ama. Umiiyak na hinarap ni Erin ang ama at sinabi kung ano pakiramdam ni Ogie kung magkakaroon na ito ng apo.

Hindi naman maipinta ang reaksyon ni Ogie kung saan ay hindi ito makapaniwala at biglang napayuko at naiyak na lamang sa sinabi ng anak.

Batid naman ni Erin ang nararamdaman ng ama kung kaya’t hindi na nakatiis at sinabi na prank lamang ang lahat.




Sa huli ay natawa naman silang lahat sa reaksyon ni Ogie, na maging si Ogie ay tila nahimasmasan na rin sa nangyari. Ipinakita naman ni Erin ang bagong biling aso at tinanong sa ama kung ano ang ipapangalan nila. Nakakatuwa naman na ang ibinigay na pangalan ni Ogie sa aso ay “Prankie” na kung saan ay hango sa paraan ni Erin ng pagpapalam sa ama.

Marami namang netizens ang nasiyahan sa naging reaksyon ni Ogie. Hinangaan rin si Ogie sa ipinakitang pagmamahal sa anak. Sa kabila ng kanyang kasarian, taglay pa rin niya ang pagiging mabuting ama kung saan ay labis na prinoprotektahan at iniingatan ang kanyang anak na babae.

 

error: Content is protected !!