Connect with us

Entertainment

“Nung college ako, naglako ako ng mga ulam sa offices” Neri Naig-Miranda, Ibinahagi Ang Kanyang Humble Beginnings Kung Paano Niya Nakamit ang Tagumpay at Nakapagpatayo ng 10 Negosyo

Isa sa talagang hinahangaan ng publiko lalo na pagdating sa pagnenegosyo ay ang napakasipag at madiskarteng asawa ni Chito Miranda na si Neri Naig Miranda. Isa naman talagang tunay na “Wais na Misis” si Neri na hindi biro ang ipinapakitang dedikasyon sa pagnenegosyo dahilan nga upang makapagtayo siya ng hindi lamang isa, kundi sampung mga negosyo at nakapagpundar rin ng mga properties.

Nasaksihan na nga natin ang tagumpay na nakamit ni Neri sa pagnenesyo. At isa siya sa mga nagbibigay ng inspirasyon lalo na sa mga maybahay na tulad niya na nais ring kumita at makatulong sa kani-kanilang pamilya.

At kamakailan, nang mag-guest sa programang “IJuander”, ay ibinahagi ni Neri ang kanyang humble beginnings kung paano niya nakamit ang tinatamasang tagumpay ngayon, at kung paano niya napalago ang kanyang sampung negosyo.

Kwento nga ni Neri, kung hirap lang ang pag-uusapan ay naranasan niya rin ito. Ngunit, dahil nga mataas ang pangarap ng kanilang ina para sa kanila, ay hindi siya sumuko sa buhay at patuloy na lumaban upang makamit ang inaasam na pangarap.

“Nag-alaga kami ng baboy tapos kumukuha kami ng kaning baboy sa mga kapitbahay. “Pero hindi ko siya kinakahiya. Parang ‘pag kinukuwento ko ngayon, proud ako na naranasan ko ‘yon.”

Ibinunyag rin ni Neri na talagang gumagawa siya ng paraan para lamang kumita ng pera at makatulong sa kanilang pamilya.

“Nung college ako, naglako ako ng mga ulam sa offices. So, ang gagawin ko, uuwi ako ng bahay ng tanghali tapos sasabihin ko sa nanay ko na magluto siya. Tapos ilalako ko ‘yon (sa) tanghali.”

Pagbabahagi pa ng “Wais na Misis”, ay nakuha niya umano ang pagiging madiskarte at pagkakaroon ng mataas na pangarap sa kanyang ina.

“Dun ko natutunan ‘yung pagiging madiskarte ko, sa nanay ko. Ang taas ng pangarap ng nanay ko para sa amin. Sa sobrang taas ng pangarap ng nanay namin, gusto niya itawag namin sa kanya “mommy” kahit na sa linoleum lang ‘yung sahig namin, sa silong lang kami. (laughs)”

Ngayon nga, ay isa nang matagumpay na negosyante si Neri dahil sa kanyang kasipagan at pagiging madiskarte sa buhay. Ngunit, sa kabila nito ay nakaranas rin si Neri ng pagkalugi sa kanyang mga negosyo lalo na pagdating sa franchise na hindi biro ang halaga ng inilabas niyang puhunan. At dahil dito, ay may natutunan si Neri, ang huwag ilagay ang lahat ng pera sa isang negosyo.

“Franchise dito, franchise dun. Tapos hindi naman ako hands on at wala naman akong background sa pagnenegosyo.“So, wala. Lugi. Talagang ang laki ng lugi ko noon, like mga PhP500,000 (or) PhP600,000.”

“Ganun ‘yung franchise. Hindi naman pinupulot ‘yon ‘di ba? “Ilang gabi o araw na pagpupuyat ko ‘yon sa pagti-taping. Well, ang natutunan ko doon sa mga failures ko noong unang-una, ‘yung ‘wag mong isugal lahat ng pera mo sa iisang negosyo.”

Samantala, ang kwento ng tagumpay ni Neri at kung paano niya na-managed ang lahat ng kanyang negosyo, ay nagsimula sa kanyang Neri’s Gourmet Tuyo business. Taong 2015, nang magsimula si Neri sa kanyang gourment tuyo business gamit ang kanyang sariling recipe.

Noong una ay mga kaibigan niya ang bumibili ng kanyang produkto at nagsimula na ring siyang magbenta sa mga bazaar. At ito nga ay nagustuhan ng mga mamimili at nagsimula na ngang makilala at lumago ang kanyang negosyo.

“Yung pagnenegosyo ko kasi sa gourmet tuyo, PhP3,000 lang ‘yung start ko.”

“From there, from PhP3,000, naging PhP12,000, naging PhP20,000, PhP25,000, PhP50,000 hanggang nung nagkaroon ako ng PhP100,000 and then PhP250,000 and PhP500,000 and then parang ‘yon, ‘Oh my god! Meron na kong kumbaga isang milyon dahil sa pagtutuyo.’”

Proud namang ibinahagi ni Neri na ang kanyang asawang si Chito ang nagturo sa kanya kung paano ang tamang paghawak ng pera.

“Tinuruan ako ng asawa ko na parang sabi niya ”Pag may PhP15,000 ka, ‘yung PhP10,000 mo, ilagay mo agad sa bangko. ‘Yung PhP5,000, ayon lang ang gastusin mo.’ Sinunod ko ‘yon.”

Sa ngayon nga, ay may 10 negosyo na si Neri na patuloy niyang pinapalago. Ito ay ang mga sumusunod: Very Neri Beddings, Very Neri Sleepwear, Very Neri Wedding Gowns, Accessories, Ang Paboritong Suka ng Asawa Ko, The Wais Planner, Neri’s Bakeshop, Neri’s Not So Secret Garden, Neri’s Cottage, and the Miranda’s Rest House.

Maliban sa mga negosyong pagmamay-ari, ay nabili na rin niya ang lote para sa pangarap niyang farm.

Isa naman sa nagbibigay inspirasyon kay Neri na lalo pang magsumikap sa kabila ng hirap at pagod ay ang kanyang anak na si Miggy.

“Ang motivation ko pamilya ko, especially anak ko, si Miggy.Pagod na pagod ako. Pero ‘pag nakita ko na ‘yung anak ko, ‘Ah hindi, para sa anak ko ‘to.’I don’t want naman na, alam mo ‘yon, maranasan ng anak ko ‘yon. Ang hirap na hindi kayo makakapasok sa school kasi wala kayong pamasahe. Or ‘di mo alam kung papasok ka ba dahil ‘di nakabayad ng tuition.”

Ibinahagi rin ni Neri na kasama sa rason ng kanyang pagsusumikap, ay ang kanyang ina. Nais ni Neri ng mabigyan ng magandang buhay ang kanyang ina at upang makaganti umano siya sa ginawang sakripisyo at kasipagan ng kanyang ina para sa kanilang pamilya noon.

“So, gusto ko naman ngayon mabigyan siya ng magaan-gaan na buhay. Gusto ko, bilang ganti ba, na ma-spoil ko naman ‘yung nanay ko habang healthy at naaalala niya pa, na-a-appreciate niya pa ‘yung nakikita niya ngayon.”

error: Content is protected !!