Connect with us

Entertainment

Number One Surfer ng Pinas at Siargao Pride na si Marama Tokong, Ikinasal na sa kanyang Napakagandang Long-time Girlfriend na Isang Foreigner

Published

on

Ang isla ng Siargao ay may napakagandang tanawin na magbibigay sa sinuman ng magandang pakiramdam upang makapag-relax dito. Kilala rin ang Siargao bilang “surfing place” at marami nga ang mga surfer na dumadayo pa rito upang makapag-surf lamang. Ngunit, maliban sa gandang taglay ng lugar, mahiwaga rin ito sapagkat, marami na ang pag-ibig na nabuo sa isla. Sa likod ng bawat alon ay may dalawang pusong pinagtatagpo na kung saan, di nila namamalayan na sila’y tinamaan na pala ng pana ni Kupido.




Isa na namang kahanga-hanga at nakakakilig na kwento ng pag-ibig ang nabuo sa napakagandang isla ng Siargao. Ito nga ang pag-iibigan ng isang Pinoy na si Marama Tokong at girlfriend nito na isa namang foreigner na si Danni Hughes.

Si John Mark Tokong o mas kilala sa bilang Marama Tokong ay kilala bilang number one surfer sa bansa, na talaga namang ipinamalas ang husay niya sa pagiging surfer. Marami na siyang sinalihang kompetisyon sa labas at loob ng bansa at siya ang palaging kinatawan ng Pilipinas sa bawat laban.




Lumikha nga ng sariling pangalan si Marama Tokong sa larangan ng surfing na kung saan ay kilala siya ng lahat kahit saan man siya magpunta. Ang kanyang larawan rin ay makikita kahit saang dako ng bansa dahil ito’y ginagawang posters. Talaga nga namang marami ang humahanga sa kakayahan ni Marama at nakakabilib rin ang kanyang pagiging mapagkumbaba sa kabila ng kanyang kasikatan. Hindi nakapagtataka na maging ang puso ng foreigner na si Danni ay nabihag niya.




Kamakailan nga, ang kanilang pagmamahalan ay nauwi na sa pag-iisang dibdib sa pamamagitan ng mataimtim na seremonya ng kasal na ginanap sa Australia. Ito ay masayang inanunsyo ni Marama sa kanyang facebook page.

Matagal nang nagsasama sina Marama at Danni kasama ang kanilang napaka-cute na anak. Magkasama nilang hinarap ang mga hamon ng buhay at nalampasan nila ito bilang isang team. Naniniwala rin sila na kahit anumang problema pa ang dumating ay kayang-kaya nilang lagpasan ito nang magkasama. At ang kanilang mga pangarap naman ay magkasama rin nilang tutuparin.




Marami ang humanga sa pagmamahalan ng dalawa, at ngayon nga, ang kanilang larawan ay viral at usap-usapan ngayon online. Hindi maikakaila na pumukaw ng pansin ng mga netizens ang kanilang kahanga-hangang mga larawan na kung saan ay mababakas ang isang tunay at wagas na pag-ibig.

error: Content is protected !!