Connect with us

Stories

“Noy, help me please these 2 only have me” Kris Aquino Nagsulat ng Open Letter para sakanyang Kuya Noy

Sa isang instagram post, nagsulat ng isang open letter si Kris Aquino para sa kanyang kuya Noy. Huminge ito ng tawad dahil nadelay ang pagbati niya sa dumaang kaarawan ng kanyang kuya.

Nag explain din ito dahil ang dalawang anak niya na si Joshua at bimby ay nagpositibo sa isinagawang swabtest. Sumailalim din umano ang aktres sa corticosteroid na nagdulot sakanya ng hindi maipaliwanag na sakit sa katawan kung saan mas masakit pa umano sakanyang naging bone marrow aspiration.

Isang mahabang video ang ibinahagi ni Kris Aquino sakanyang instagram account, at mapapanood dito ang ilan sa mga naging kaganapan habang siya ay sumasailalim sa ibat-ibang medical test at procedure. Makikita din sa video kung saan kasama ni Kris ang dalawang anak nito na si Joshua at si Bimby.

Photo credits: Kris Aquino | IG

Sa open letter na ito ni Kris, ibinahagi niya na mataas ang kanyang pain tolerance ngunit may mga sandali talaga na parang hindi niya na kaya ang sobrang sakit na nararamdaman.

Sa kanyang pagsusulat na ito para sa kanyang kuya noy, hindi pa din maialis ni Kris ang kanyang pag-aalala sakanyang dalawang anak, kaya humihinge ito ng tulong sakanyang kuya noy na kung maari ay tulongan siya nito na malagpasan ang pagsubok at talunin ang kanyang sakit para sa kanyang dalawang anak na tanging siya nalang ang mayroon ang dalawa niyang anak.

“…Then I said seriously, Noy, help me please – these 2 only have me… please help me survive this, PLEASE?”

Photo credits: Kris Aquino | IG

Sa isang bahagi din ng letter ni kris para sakanyang kuya noy, sinabi nito na gusto din niyang maging pribado katulad ng kanyang kuya noy na hindi aktibo sa social media, ngunit kailangan niyang magbigay ng update at mamaalam sa ilan sa kanyang mga malalapit na kaibigan  na nag reached out sakanya, nagdasal para sakanya na kahit magkaiba ng pananaw sa ibang bagay katulad nalang ng politika ay patuloy parin siyang ipinagdarasal.

“…I want the privacy you had but unlike you who was never active on social media, I need to say goodbye properly because so many have reached out to me, prayed for me & my sons and regardless of their political affiliation they have prayed for me to get better…” 

Photo credits: Kris Aquino | IG

Patuloy ang pagpapaabot ng mga malalapit na kaibigan ni Kris, mga fans at kahit hindi fans ng kanilang panalangin para sa mabilis na pagaling ng aktres. Walang tigil naman ang pasasalamat ni Kris sa mga taong anjan padin para sakanya at patuloy siyang isinasama sa kanilang panalangin.

Photo credits: Kris Aquino | IG

Nagpromise din ang aktres na kapag may good news ay agad itong magpopost at ipapaalam sa mga taong walang tigil ang pagsuporta sakanya.

“For now, 12 noon, June 29, 2022 where we are-this is what i felt you needed to know, straight from me para alam ng lahat ito ang to totoo.

This isn’t a permanent goodbye, ibalato nyo na lang hanggang malagpasan namin itong matinding pagsubok. Thank you for all your prayers- i am forever #grateful.

Promise, pag may good news ako, after thanking God & telling my sisters & my trusted friends- you’ll see a post from me. In God’s perfect timing…”

error: Content is protected !!